MAY MGA televiewers pala na hindi masaya sa nagiging exposure ng idolo nilang si Vice Ganda sa It’s Showtime. May mga pagkakataon daw kasi na sa Advice ni Vice segment lang nila napanonood ang komedyante.
‘Yan tuloy, ‘pag hindi na nila nakikita si Vice sa Showtime ay lumilipat na sila ng channel. Obvious naman kung saan sila nanonood, ‘di ba? Mas okey pa raw noong babad na babad si Vice sa TV dahil mas naaaliw sila sa mga hirit at punchline nito.
Teka, alam kaya ng writers at ni Direk Bobet Vidanes ang sentiments ng televiewers ng kanilang programa? May ginagawa kaya silang remedy tungkol dito?
Proven na kung gaano kalakas ang hatak ni Vice sa Showtime o sa kahit anong live show, kaya dapat bigyan pa siya ng mas maraming exposures sa Showtime. Kumbaga, Vice pa more! Hehehe!
Nami-miss din daw ng Showtime avid viewers ang mga pakontes ng show na humahatak sa mga beking televiewers na nanonood sa kani-kanilang parlor tulad ng tungkol sa kontes ng pagandahang lalaki at singing contest. Meron na nito noon ang Showtime, ang Gandang Lalake, pero natapos din agad ito.
‘Yung pakontes para sa mga tomboy at mga ka-look-alike ay klik din naman at may hatak pero sana raw may bago pa silang maisip. Wow, demanding, huh!
Anyway, Showtime was conceptualized because of Vice and his personality at nagklik ito dahil sa ganu’ng style. ‘Wag daw sanang pabayaan ang show para hindi naman masayang ang nasimulan nila rito.
La Boka
by Leo Bukas