TALK OF THE town nga ngayon ang sumabog na balitang may hidwaan sa pagitan nina Angelica Panganiban at Claudine Barretto.
Kahit na sinabi na ng abogadong si Atty. Joji Alonso na binawalan na ng management niya si Angelica na magsalita o magkomento pa sa mga naging pahayag ni Claudine sa diumano’y mga dahilan kung bakit siya nagsasalita ngayon against the Kapamilya star eh, hindi na sa kampo nito magmumula.
Ipinagtanggol ng ama-amahan ng dalawa sa ABS-CBN na si Mr. Johnny Manahan ang mga akusasyong ipinukol kay Angelica.
“Feisty, irreverent and sometimes crude” ang nasabi ni Mr. M kay Angelica. Pero hindi raw ito sinungaling.
At kung ano ang kahihinatnan ng mga salita ni Mr. M patungkol kay Claudine na “Go ahead! Sue, Claudine! Make our day! Para bellum (Prepare for war),” eh, isang bagay na wish ng sinuman na huwag nang humantong pa sa mas grabeng sitwasyon.
As of latest reports, si Mr. M na at ang manager ni Claudine na si Ms. Shirley Kuan na ang nag-uusap tungkol sa lumalaking sigalot.
IKALAWANG MALAKING ENDORSEMENT naman daw ni Vice Ganda ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng Globe para siyang mag-promote ng kanilang ‘regalo’ para sa mga pre-paid subscribers ng nasabing kumpanya.
Ang unang iniendorso ni Vice Ganda hanggang sa kasalukuyan eh, ang mga serbisyo ng Calayan Surgicentre, although wala naman daw siyang ipinaretoke sa anumang parte ng mukha at katawan niya, mga may kinalaman lang daw sa pag-i-enhance ng kanyang byuti ang isinasagawang serbisyo nito sa isa pa rin sa mga inaabangang judges ng Showtime araw-araw.
Kaya, happy si Vice Ganda, na after ni Zaijan Jaranilla, siya naman ang magiging mukha ng Globe, dahil na rin sa kanyang pinasikat na mga katagang “May Nag-Text!”
Ang tanong ko nga kay Vice Ganda eh, kung dahil ba sa mga salitang ito kung kaya naisip ng Globe na kunin ang kanyang serbisyo? Although sabi naman ni Vice Ganda, hindi naman niya naipa-copyright ang nasabing mga salita na siya na ring naging titulo ng major concert niya kelan lang sa Araneta Coliseum, na mga kataga ring nakikita na sa sari-saring merchandise items na gaya ng T-shirts, mugs at iba pa.
Hindi naman sinabi ni Vice Ganda kung tina-patan ng Globe ng malaking halaga ang nasabing mga kataga na masasabing kanya lang sa punto ng kasikatan.
Kahit naman aminado si Vice Ganda na napapagod na rin siya sa pagiging judge niya sa Showtime, at ginawa na nga niya ang kagyat na magpahinga from the show, hindi maiaalis at hindi maitatanggi na sa mga subscribers naman ng TFC at sa naging hits sa Facebook account niya na inaabangan talaga ang lahat ng ginagawa nito sa nasabing programa.
“Kaya nasabi ko na hindi madali. Kasi, every now and then, you have to come up with a gimmick. ‘Yung kailangang lagi kang may bago at hindi naman maganda ‘yung paulit-ulit na lang ang sinasabi mo sa mga komento mo sa mga contestants. Sa isang banda, nagiging challenge na rin. Draining lang talaga. Pero, hindi ko naman basta iiwan ang show. Kailangan lang talagang bumuwelo every now and then.”
Gaya ba ni Petrang Kabayo na malapit nang uma-rangkada sa takilya?
The Pillar
by Pilar Mateo