OLA CHIKKA! SADYANG wala na talagang makapapantay rito sa narating ng komedyanteng si Vice Ganda na dahil sa sobrang taas ay nakalimutan na yatang lumapag sa lupa. Noon pa lamang ay napansin ko na ang biglaang paglaki ng ulo nitong host ng Showtime. Lagi ko siyang pinupuna rito sa aking column hindi para siraan kundi para gabayan upang tumagal siya rito sa ating industriya, dahil siyempre bilang nakatatanda at halos 41 years na sa industriya, karangalan kong makatulong sa ibang tao at isa na roon si Vice Ganda na isa sa mukha ng aming federation.
Bilang isang bading, dinadala niya hindi lamang ang kanyang personalidad kundi pati halos lahat ng kabadingan sa buong Pilipinas ay inirerepresenta niya. Kaya hindi ako sumasang-ayon sa mga pinaggagagawa niya.
Noon, napakasimpleng tao lamang niyan. Makikita mo sa gimikan tahimik lang, walang kahangin-hangin. Kung tutuusin nga, mas maganda pa noong stand-up comedienne lamang siya, medyo napeprenuhan pa ang kayabangan at pagiging taklesa nang wala sa lugar. Ngunit ngayon, mukhang nagka-stiff neck na at nakalimutan nang lumingon sa pinaggalingan.
Teka! Sa bagay, dati pa namang may bahid ng kamalditahan ‘yan kaya hindi na ako nagtataka na maging ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ay hindi nakaligtas sa matalim niyang dila.
Trabaho ng MTRCB na bantayan ang ipinalalabas sa mga pelikula at telebisyon kaya hindi na kayo dapat magtaka kung marami ang nag-iingat makalaban ang mga ito. Ngunit dahil na yata sa sakit ng hydrocephalus keme o paglaki ng ulo nitong si Vice Ganda, nabara na yata ng kanyang kayabangan ang proseso ng tamang pag-iisip na maging ang MTRCB Chief na si Consoliza Laguardia ay sinabihan niya ng hindi magandang salita na wala namang ginagawa sa kanya.
Sa interview niya sa presscon ng kanyang latest na pelikula, natanong siya kung hindi ba siya natatakot sa MTRCB Chief dahil sa mga kumento niya sa Showtime, at ang sagot niya lamang ay hindi ito nag-e-exist para sa kanya.
Sa bagay, sino ba naman siya para pag-aksayahan ng panahon ni Laguardia? Hintayin na lamang niyang mapansin siya nito nang makita niya kung papa’no mag-exist ang isang Laguardia. Hindi ba alam ni Vice na ang MTRCB ay parte ng gobyerno na dapat respetuhin lalo na at kung wala namang ginagawang masama sa kanya.
Hindi lahat ng oras ay pinapairal ang pagiging prangka. May pagkaprangka ring wala sa lugar. Tamah?!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong super papalicious na as in yumminess to the highest level? Dahil mukha pa lang panalo na at dagdagan mo pa ng super hotness niyang katawan ay daig mo pa ang nanalo sa lotto kapag nahawakan mo siya.
Ngunit babala ko lamang sa inyo, mga kaparazzi, na hawakan n’yo na lahat ng part ng kanyang katawan, huwag na huwag mo nang subukang daplisan at lalung-lalo na singhutin ang amoy ng paa niya dahil iisipin mong isang milyong daga na ang namatay sa loob ng kanyang sapatos.
Sa isang reality show kung saan kasama ang guwapong aktor, amoy na amoy ang masangsang na halimuyak ng kanyang paa! Ha-ha! Halimuyak daw, oh! Dahil siyempre, kapag tinanggal mo na ang sapatos mo ay saka sisingaw ang amoy ng paa mo at sa araw-araw ba naman nilang magkakasama eh, hindi pa nila maamoy ang napakalupit na gayuma ng young actor? Hmmm… Ewwww!! ‘Yun na!
Ano gets n’yo na? Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, subaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays, 11:30-12 nn. NN. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding