GUSTO KO ang attitude ni Vice Ganda na deadma siya sa mga basher niya sa social media. Wala siyang panahon para patulan ang opinion nila na gusto lang mang-badtrip, manira ng good vibes na kadalasan, wala lang. Gusto lang mambuska para mag-react ka na sa bandang huli, ikaw ang talo.
Kaya nga tumpak ang istilo niya na dini-delete niya ang mga basher niya sa kanyang Twitter at IG account na walang saysay.
Kung ang ibang celebrities natin, kuntodo react sa mga maninira nila sa social media, si Vice positive ang attitude.
Siguro magandang makuha nina Sharon Cuneta, Bianca Gonzales and the rest ang ganitong attitude ng comedian-host, dahil mahirap humarap sa labanan na hindi mo kilala kung sino ang kalaban mo.
Sa socil media ang mga tao walang mukha. Hindi sila nagpapakilala kung sino sila. In short, wala silang identity na kung papatulan mo man ang sinasabi nila na paninira, ikaw na may pangalan at kilala ang talo sa pambubuska.
Ang mga taong walang mukha at identity na gumagamit ng iba’t ibang pangalan parang mga multo sa dilim na tumatagos na lang at walang saysay.
Kaya sa mga artista natin na mahilig sa social media, the fact na binuksan ninyo ang mga sarili ninyo sa publiko, then face the consequences. Kung babanatan kayo, sisiraan na walang basehan, take the risk na baka masaktan kayo kapag nabasa ninyo ang opinion nila.
Or better yet, tulad ng style ni Vice, deadma. Sa mga basher, just read then delete n’yo sila.
Reyted K
By RK VillaCorta