Panalong-panalo na agad ang pakiramdam ng 27-anyos na contortionist mula Cabuyao, Laguna na si Mark Dune Basmayor matapos siyang mapili ng judge na si Freddie “FMG” Garcia bilang kanyang ‘Golden Buzzer’ act sa world-class talent search na “Pilipinas Got Talent”. Dahil sa ‘Golden Buzzer’, pasok na agad si Mark Dune sa semi-final round ng kumpetisyon.
Hindi roon nagtapos ang kanyang suwerte. Dahil nang malaman ni Vice Ganda na nais nilang ikasal ng kanyang kasintahan bago lumabas ang kanilang baby, sinabi ng phenomenal box-office star na siya na ang sasagot sa kasal nila, pati na rin ang reception.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mark Dune na tanging hangarin ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang magiging mag-ina.
Pakatutukan ang “Pilipinas Got Talent” tuwing Sabado pagkatapos ng “MMK”, at Linggo pagkatapos ng “Rated K” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @officialPGT5 sa Instagram at Twitter o i-like ang www.facebook.com/officialPGT sa Facebook.
Shalala, bilib sa galing umarte nina Antoinette Taus at Ian de Leon
Excited ang mahusay na komedyanteng si Shalala sa kanyang guesting sa TV5’s “WattPad Presents: Hiling” na pinagbibidahan nina Antoinette Taus at Ian de Leon na mapanonood sa Sabado de Glorya.
Gagampanan daw ni Shalala ang role bilang Uncle na bading ni Antoinette. “Ang ganda ng role ko rito, tiyak na maaliw ang mga manonood. Hahaha!
“Masarap katrabaho sina Antoinette at Ian, very professional at magagaling na artita. Alam naman natin na may pinagmanahan si Ian, kasi Superstar lang naman ang mother niyang si Ate Guy (Nora Aunor) at Drama King ang father niya (Christopher de Leon), kaya naman mahusay siyang actor. Si Antoinette naman, nagsimula bilang child star kaya mahusay ring umarte,” sabi ni pa ni Shalala.
Bukod nga sa “Wattpad”, may ibang mga guestings pa si Shalala like CelebriTV, Sunday Pinasaya, Mars, at iba pa.
John’s Point
by John Fontanilla