Naloka kami sa open-letter ng isang guro kay Vice Ganda.
Affected much ang hitad na teacher sa pagtatangol ni Vice Ganda sa beki community laban kay Manny Pacquiao.
Ang say ng teacher sa sulat, natatakot siya sa patuloy na impluwensiya ni Vice Ganda sa mga kabataan lalo na sa istilo nito ng pagpapatawa.
“Bilangin mo kung ilan ng kabataan ngayon ang naimpluwensiyahan mong mambara, mam-bull,y at mang-asar ng kapwa. Hindi pala siya makatao.”
Isisi ba kay Vice ang attitude ng mga bata ngayon? Ang mga kabataan ay dapat ginagabayan ng magulang nila. ‘Wag isisi kay Vice ang kakulangan ng mga magulang dahil lumaking bastos ang mga anak nila, ‘no!!!
Bakit, marami rin namang walanghiyang teacher, ah. Isa na roon ang CAT teacher namin noong high school na sinuntok kami sa tiyan at dibdib nang mag-cutting class kami sa kanya dahil nag-practice kami ng sayaw namin para sa isang programa sa school.
After more than 20 years ay muli naming nakita ang CAT teacher sa isang high school reunion kaya talagang pinagmumura namin siya dahil nag-flash back ang ginawa niyang panununtok sa amin. Kung hindi lang kami napigilan ng aming classmates ay baka nasuntok namin siya, ‘no!
Ngayon, sa teacher na nagsulat ng open-letter kay Vice, masasabi mo bang magandang influence ang CAT teacher namin na nanakit sa amin?
Ang ganitong teacher ba ay kagalang-galang? Sumagot ka nga!!!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas