WALA PA kaming naririnig na reaksyon ni Vice Ganda regarding sa pagpapatawag sa It’s Showtime executives ng MTRCB na may kinalaman sa gender sensitivity sa kanilang segment na ‘Nasaan Ka, Mr Pastillas?’ kung saan ang kanilang Pastillas Girl ay nalalagay sa alanganing isyu.
Kasama rin kaya si Vice sa mga ipinatawag ng Censors sa meeting na nangyari kahapon, October 13, nang umaga.
Kung sa bagay, hindi na bago sa sikat na comedian/TV host ang masita ng MTRCB dahil taun-taon na lang ay may isyung ibinabato sa kanya na lagi naman niyang nalulusutan dahil wala naman talaga siyang nagawang pagkakamali.
Noong 2013, naging kontroberyal ang pagbibiro niya kay Jessica Soho, kung saan ipinatawag siya ng MTRCB Chairman para i-remind siya sa do’s and don’t’s ng comedy bar kind of humor, oncam man o offcam.
Tapos sa sunod na taon (2014), muli siyang humarap at ang ilang ABS-CBN executives sa opisina ng MTRCB dahil naman sa offensive scene and use of sexual overtones ng show niyang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice. Dahil dito, dumaan siya sa isang seminar tungkol sa audience sensitivity and administration of justice.
This year naman, tungkol nga sa gender sensitivity dahil nag-ugat naman sa reklamo ng grupong Gabriela.
Sinasabi naman ni Vice na sensitive naman sila sa concerns ng MTRCB at kung may nakalulusot pang concerns at issues, ‘yun ay dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay hawak nila ang sitwasyon.
Masunurin naman sila sa guidelines ng MTRCB at pinupuri nga nila ang opisina nito at si Chairman Toto dahil sa pagiging sinsero at committed ng mga ito sa kanilang sinumpaang tungkulin.
At knowing Vice, wala naman talaga siyang intensyong gumawa ng hindi maganda lalo na sa ikasisira ng kanilang TV show.
SA MGA botante ng sambayanang Pilipino, sana maging matalino sa pagboto at ‘yang mga kandidato na tapos na ang terms at ipinapalit sa kanilang puwesto ay mga kamag-anak nila, dapat i-boycott para matigil na ang mga ‘yan.
Ang kakapal ng mukha! Ayaw bitiwan ang kapangyarihan. Kahit tapos na ang kanilang terms ay gusto pa rin ang kanilang angkan ang manungkulan sa kani-kanilang nasasakupan.
Dapat matapos na ang mga ganyang pulitiko sa bansa, ‘di ba?
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo