Tinawag ni Vice Ganda na ‘garapal’ ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanyang tweet kahapon, Biyernes, February 5.
Hindi nga napigilan ni Vice Ganda na ilabas ang kanyang pagka-disgusto sa nasabing ahensiya ng gobyerno nang mag-post sa kanyang Twitter account ang Star Cinema AdProm manager na si Mico del Rosario ng litratong kuha sa DFA-Ali Mall.
Sabi ni @micodelrosario sa kanyang post, “Dear DFA ALI MALL, bakit po kayo nagpapalabas ng pirated copy ng A Second Chance dyan? Blatant na po talaga ang paglabag sa batas? Umm.. Government agency po kayo?”
Ni-retweet ito ni @vicegandako at sabay sabing, “This is DISGUSTING!!! Hoy DFA Ali Mall ang garapal nitong ahensya ng gobyerno na ito!!!”
Pero tila kumambiyo ang Phenomenal Box-Office Star sa pabirong hirit na: “Langya magpalabas ba ng pirated na A Second Chance e meron namang pirated na Beauty and the Bestie!!! Chozzzz! #NoToPiracy”
By Parazzi Boy