Vice Ganda, top-grosser pa rin ang pelikula sa MMFF

Vice-GandaFresh from his Dubai sojourn the previous night, medyo late man ay dumating si Vice Ganda sa birthday party ng kaibigan at kumpareng si Ogie Diaz nitong Sabado ng gabi sa Nation Bar & Grill.

For how couldn’t VG have showed up, matagal-tagal at malalim-lalim din naman ang kanilang naging manager-artist relationship? Despite their “falling out,” Ogie and VG have remained friends.

At the party—kung saan naroon ang mga long-time press friends ni Ogie—we collectively congratulated VG dahil ang kanyang 2015 MMFF entry na “Beauty And The Bestie is yet to be announced by the MMDA as last year’s (certified, no padded figures) top grosser!

Nag-apiran pa kami ni Ms. F (Fernan de Guzman) dahil kapwa kami nanalangin to high heavens na ang entry na ‘yon ang magna-Number One, and it did!

Tested and proven naman kasi na sa first two to three days sa pagsisimula ng MMFF ay ang katunggaling pelikula ni VG is in the lead only to be dislodged mula sa ikaapat na araw hanggang matapos ang film festival!

Bukas, Martes ay opisyal nang magtatapos ang MMFF. Ergo, iaanunsiyo na rin ng MMDA kung alin nga ba sa walong kalahok has the highest gross receipts.

Again, congratulations to Vice Ganda kahit ang kanyang recent Dubai trip was a nightmare dahil sa naganap na sunog kung saan naroon ang kanyang beauty, but managed to be at his best!

SPEAKING OF Dubai, nagpang-abot doon si Vice Ganda at ang buong Atayde family composed of its patriarch Art, maybahay nitong si Sylvia Sanchez, anak na si Arjo at mga kapatid nito.

Finally, nagwagi ang “pagmamakaaawa” ni Ibyang kay Arjo na sumama sa family trip abroad.  The Atayde family left last December 29, and will be back tomorrow.

Sa mga hindi kasi nakaaalam, Arjo Atayde is such a reluctant traveler. Nabo-bore daw kasi siya sa mga long trips aboard the plane.

To top it all, dahil sa kabisihan ni Arjo sa trabaho kung kaya’t mas madalas siyang magpaiwanan rather than neglecting his work tulad ngayon bilang isang bad cop sa “Ang Probinsiyano”, at nitong last episode ng Maalaala Mo Kaya where he essayed the role of a spiritually psychotic.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKasaysayan Ng Kampanya
Next articleVice Ganda, maraming pasabog sa 2016

No posts to display