PAKIRAMDAM ni Vice Ganda ay kinalawang na siya sa pagpapatawa dahil sa halos isang tao na rin na hindi siya nagpe-perform sa comedy bar at nagkakaroon ng mga out of town and out of the country shows.
“There were times na feeling ko parang kinalawang ako, kasi di ba, ang tagal mong nabakante, kahit sino naman,” pagtatapat ni Vice sa PUSH.
“Actually, tinanong ko ‘to sa mga kaibigan ko para malaman ko kung ako lang ba yung naka-experience. Kasi there was a time, na ang haba nung break kasi hindi kami nagla-live sa Showtime, so puro replay lang, ganyan-ganyan.
“Tapos nung bumalik kami, may time na ang tagal kong nakanganga tapos may gusto akong sabihin pero hindi ko mabuo sa utak ko. Hindi ko mabato yung punchline, tapos sabi nila pagkatapos no’n, sabi nina Vhong (Navarro), ‘Parang ang lalim ng iniisip mo, kanina ka pa nakanganga.’
“Sabi ko napu-frustrate ako, parang kinalawang ako. Kasi kilala ko yung sarili ko, eh, na pag may mabilis akong naisip mabilis ko ring maibabato, tapos biglang hindi ko siya nabato agad, tapos hindi ko maisip agad. Sabi ko, ‘Oh, my God kinakalawang yata ako,’” tuloy-tuloy na paliwanag ng komedyante.
Ayon pa kay Vice, isa rin marahil sa mga dahilan kung bakit pumupurol ang utak niya ay dahil biglang nagkaroon ng pandemic at dumami ang mga alalahanin sa buhay.
Aniya, “Ang nasa utak lang natin dati ay yung content at saka kung ano yung trabaho natin na ang bilis nating nagagawa kasi naka-schedule o parang naka-fix na sa utak natin – assigned na kumbaga. Eh, biglang nagkaroon ng panahon na hindi niya ginagawa yon.
“Tapos parang yung utak natin nalagyan ng mataas na level of fears, insecurities, worries dahil sa kasalukuyang sitwasyon, so naging magulo yung mga utak natin kaya nung bumalik tayo sa dati nating ginagawa hindi natin agad magawa nang tama kasi bothered yung mga utak natin.”
“Kaya sabi ko, ‘Ah, akala ko ako lang ang parang kinalawang.’ Eh, totoo naman pala talaga yon, lahat ng tao kinakalawang. Kailangan lang na ma-practice ko siya ulit kaya practice ako nang practice.
“Tapos maya’t maya tumatawag ako sa mga bakla, nakikipagharutan lang ako. Kasi pag nagkukwentuhan kami, okrayan kami nang okrayan at para na kaming nasa comedy bar, so don sa ganung paraan bumibilis ulit yung utak namin,” kuwento pa niya kung paano niya ibinabalik sa dati ang galing sa pagpapatawa.
Ibinahagi rin ni Vice na sa isang creative meeting na kanyang dinaluhan ay mukhang bumalik na ulit sa dati ang kanyang pag-iisip.
“Meron akong isang trabaho, nasa creative meeting ako, tapos ang dami kong naisip, ang dami kong nabuo at proud na proud talaga ako. Sabi ko, ‘Oh my God, feeling ko ang talino ko ulit,’ kasi may time na wala talaga akong mabuo, wala akong maisip, pero ngayon gumagana na ulit nang maayos ang utak ko. Naha-happy ako.
“Kailangan lang talaga na maputol yung break para yung mapurol mong utak ay ma-practice ulit para maging matulis ka uli. Kailangan laging matulis, ayoko nang mapurol, gusto ko nang matulis,” pagmamalaki pa ng Unkabogable star.
Magkakaroon ng first ever digital concert si Vice titled Gandemic: The VG-tal Concert at gaganapin ito sa July 17. Ayon kay Vice, mas gutom siyang mag-perform ngayon kaya mega-push talaga siyang matuloy ang Gandemic.
“Mas gutom ako ngayon at mas hirap. Hirap in terms of performance, di ba, pero mas gutom ako, mas passionate ako ngayon. I have never been this passionate. Kaya nga kahit ang hirap pinu-push ko, eh, kasi nanggagaling talaga ko do’n sa passion.
“Kung pera’t pera lang naman di naman na ako naghihirap, di ba, pero I’m so passionate to do this at gusto ko talaga itong i-push. Kasi nagugutom ako sa… feeling ko kasi achievement ko yon, eh, pag may nagawa akong isang bagay na makakapagpasaya sa audience ko.