BRUTALLY FRANK that he is, diretsang sinabi ni Vice Ganda that nobody can follow in his footsteps in much the same way na hindi niya sinusundan ang yapak ng mga big-name comedians who came before him.
Sa presscon ng Star Cinema’s Metro Manila filmfest entry na Girl, Boy, Bakla, Tomboy, aniya, he’s least flattered kapag sinasabihan siyang the next Dolphy or the next Vic Sotto. Katuwiran ni Vice Ganda, he cannot duplicate much less approximate their achievements .
Fame spawned by talent is a matter of time bukod pa sa plano ng Nasa Itaas, let this message inspire din daw other comedians of lesser stature who dream big in their chosen field.
Anyway, hopes are high na magiging top grosser ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa MMFF 2013 that is expected to give its “little” rival a run for its money !
AS EARLY as November 21—two weeks after super typhoon Yolanda unleased its fury over some parts in the Eastern Visayas—ay minabuti na ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng Corporate Communications Division nito, na ikansela ang nakasanayan nang taunang Christmas party for the press.
Sa halip na idaos daw kasi ang nakaugalian nang pagtitipon, the network has opted to channel its donations to the Sagip Kapamilya Calamity Fund na ang mga makikinabang ay ang mga nasalanta ng naturang mapaminsalang sakuna.
Sinundan ito ng anunsiyo sa pamamagitan ng text ng TV5 nitong November 26, also calling off the Christmas party for the press dahil inilalaan na lang daw ng istasyon ang pondo para sa Alagang Kapatid Foundation, also anchored on the same noble purpose para sa mga Yolanda victims.
With the subsequent advisories mula sa Dos at Singko, hindi na kami magtataka kung “makikiuso” na rin ang GMA, that instead of holding the traditional Christmas press party ay ilalaan na lang din nito ang gastusin diretso sa Kapuso Foundation.
But surprise of surprises, GMA opts to go against the flow. Bagama’t isang simpleng pagtitipon sa tanghali ang idaraos nila bukas bilang pasasalamat sa press, maliwanag na hindi ito gumaya sa ABS-CBN at TV5.
Kung tutuusin, the entire entertainment press genuinely understands such press party cancelations. Perhaps, had Yolanda unleashed its wrath last September or October ay tuloy pa rin ang gagawing pagpapasaya ng mga TV network sa press, kaso, the tragedy came quite close to Christmas.
To our mind, Yolanda is like a girl molested many times over. Masyado nang gamit na gamit si Yolanda as a convenient excuse para magwala-walaan ang mga tao gayong there’s still much to give that won’t hurt their pocket.
Ilang milyong piso na ba ang nalikom ng mga istasyong ito? Isang simpleng party without fanfare at all on their part is just a drop in the bucket. Besides, hindi naman porke’t nagkakasayahan tayo, ibig sabihin ay wala tayong malasakit para sa mga kapus-palad nating kababayan, ‘di ba?
Kung sila ngang mga nawalan ng mahal sa buhay, mga tahanan at mga ari-arian have started to move on and rebuild their lives, why can’t we?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III