Vice Ganda, walang balak isauli ang best actor trophy Hot Topic

 alt=

Vice-GandaWALANG BALAK isauli ni Vice Ganda ang best actor trophy mula sa 30th PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy.

Nagsalita na kahapon, Miyerkules, ang comedian-host sa noontime show na It’s Showtime ng ABS-CBN, na kagagaling lang sa kanyang concert tour sa United States. Ito ay kaugnay sa alegasyon na binayaran umano ni Vice Ganda ang kanyang best actor trophy.

Malinis umano ang konsensiya ni Vice Ganda na dinedma lang ang alegasyon at wala umano siyang balak isauli ang trophy na ayon sa kanya, ang kauna-unahan niyang acting award na natanggap.

Aniya, “…kung kakausapin ko ang konsensiya ko, ano kaya ang sasabihin ng konsensiya ko sa akin? Ang sabi sa ‘kin ng konsensiya ko: kung nandaya ka, ibalik mo ang award. Kung hindi ka nandaya, yakapin mo ang award…” At iminuwestra ni Vice Ganda ang pagyakap sa nasabing tropeo.

Nag-ugat ang kontrobersiya ng ‘bayaran’ sa best actor trophy sa alegasyon ng kolumnista/ radio show host at PR man na si Jobert Sucaldito.

Sa post ni Jobert sa kanyang Facebook account (Sucaldito Jobert), sinabi nito na ‘niloko’ siya ng ilang members ng Philippine Movie Press Club (PMPC), at pinaniwalang “they will vote for my baby Jeorge Estregan for Best Actor for his sterling performance sa pelikulang Boy Golden.” Ito ay sa kabila ng kanyang ‘pagla-lobby’ umano sa voting members para makakuha ng sapat na boto para sa Laguna Gov. ER Ejercito.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleJobert Sucaldito, pinatatahimik ng Dos? Hot Topic
Next articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 37 March 14 – 16, 2014

No posts to display