Vice Gov. Daniel Fernando, naghahanap ng script na ididirek

Daniel-FernandoDATI PA, bago masuwertehang napunta sa larangan ng pulitika, naghahanap at nagpapasulat na si Vice Governor Daniel Fernando ng magandang script, na sana ay sisimulan na niyang pag-aralan sa naging plano sana niyang unang sabak sa pagdidirek ng pelikula. Kaya lang, dahil nasimulan na rin niya ang pagpapakilala noon sa kanilang bayan sa Bulacan na aktibo sa Kabataang Barangay, ilang pulitiko ang kumumbinsi sa kanya na kumandidato ay nangyari nga.

“Kung sa ngayon, parang may pagka-indie ‘yung tipo ng project na gusto ko sanang gawin. Ang laman ng utak ko noon sa ipinasusulat kong script ay parang ‘Scorpio Nights’ dahil mahalaga sa akin ang pelikulang iyon. Hindi ko kinakalimutan ‘yung ambisyon kong makapagdirek din sana ng pelikula, hindi ko pa lang mahanapan ng pagkakataon, dahil mahirap pa sa ngayon,” wika ni Vice Gov. Daniel.

Sa showbiz man o sa mga nakakasama niya sa labas ng showbiz, mapakisama talaga si Daniel, lalo na sa mga kabataan.  Noong nakatira pa siya sa Sampaloc, Manila, nagpatayo siya ng gym sa Dela Fuente Street, at kapag kapos sa pera ang mga kabataang pumupunta sa gym ay hinahayaan na lang niya, kesa naman daw sa bisyo malulong.

“Inihinto ko na lang ‘yung gym nu’ng sobrang abonado na ako, tsaka lumipat na ako ng tirahan sa Lantana Street, sa New Manila dati,” banggit pa ng actor.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleMayor Herbert Bautista, pamamahalaan na ang Cinemalaya
Next articleKris Bernal, ini-enjoy ang pagiging single

No posts to display