PATULOY ANG pagpupursige ni Bulacan Vice Gov. Daniel Fernando para tugunan ang pangangailangan ng kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng mga proyektong tulad ng Damayang Filipino: “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo” Livelihood Program, Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Filipino: Dugong Alay Ng Bulakenyo, Damayang Filipino Computer on Wheels, Call Center Training Program, Medical Missions, Feeding Programs, at marami pang iba.
Kaya naman hindi na kataka-takang muling kilalanin ang kanyang mga nagawa sa larangan ng serbisyo publiko ng Golden Globe Awards Council. Nitong nakaraang Abril 11, 2015, iginawad kay Vice Gov. Daniel ang Golden Globe Medal of Distinction for Outstanding and Significant Achievement in Public Service sa seremonya na ginawa sa Grand Ballroom ng Manila Hotel.
Layunin ng Golden Globe Awards for Outstanding Filipino Achiever 2015 na bigyan ng pagkilala at parangal ang lahat ng
mga Filipino sa buong mundo na nagbigay ng karangalan sa bansa. Kaya naman binigyan ng mataas na pagkilala ng awards committee ang mga natatanging nagawa ni Vice Gov. Daniel sa Bulacan.
Kamakailan lang din, tinanghal din siyang Outstanding Local Legislator 2014 ng Superbrands Marketing International Inc. Ibinigay ang parangal noong Nobyembre 18, 2014 para sa kanyang katang-tanging track record sa pamumuno ng Sangguniang Panlalawigan sa pagsasagawa ng mga provincial ordinance at resolution na magpapabuti sa kalagayan ng mga kapwa niya Bulakenyo, pagpapatupad ng peace and order, pangangalaga sa kalikasan, at iba pa.
Maliban sa mga nabanggit na pagkilala, nakatanggap din si Vice Gov. Daniel ng iba’t ibang parangal sa larangan ng serbisyo publiko. Pero bago pa siya naging isang lingkod bayan, kinilala at patuloy na kinikilala ang husay at galing ng bise gobernador bilang artista. Dalawa sa kanyang pelikula ang nagbigay sa kanya ng ‘di matatawarang parangal at pagkilala mula sa mga film critic sa loob at labas ng bansa bilang mahusay na aktor – ang Scorpio Nights ni Peque Gallaga at ang Macho Dancer ni Lino Brocka.
Ayon kay Vice Gov. Daniel, patuloy pa siyang magsusumikap sa kanyang trabaho, hindi lang para sa mga parangal, “but to lead through example, and to serve without prejudice.”
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores