KUWENTONG MAYNILA pa rin, halos sa tapat ng Philippine General Hospital stands an antiquated building na inuupahan ng mga sari-saring tenants. Katabi ‘yon ng isang sikat na fast food chain kung saan may maluwag namang parking space.
Just recently, nagkaroon ng aberya sa naturang parkingan. Umabot pa nga ‘yon sa kaalaman ng legal department ng kainan that’s being questioned for failing to remit to the city government ang bahagi ng kinikita nito.
Kada sasakyan kasing naka-park doon ay P50 ang sinisingil na fee at least for the first how many hours, at parang metro ng taxi ang patak sa mga succeeding hours.
Sa dami ng mga kotseng naka-park doon ay malaki ang nakukubra, such fees are allegedly uncollected revenues na direkta sanang pumapasok sa Manila City government. Pero gaano katotoo na ang nakikinabang sa malaking kinikita araw-araw ng parking space na ‘yon ay si… Vice Mayor Isko Moreno?
MAY NAKAKAGIMBAL na desisyon si Mama A: ibebenta na nila ang bahay ng Ismol Family.
Dahil dito, magkakawatak-watak na silang mag-anak. Dahil may komisyon ang makahahanap ng prospective buyer kaya interesado ang bawat miyembro ng pamilya. Sino naman kaya ang makakapagsara ng deal?
Isang matanda ang interesadong bumili ng bahay. Isang matanda. Pero ang gusto niya, pagkabayad daw niya ay kailangang lumayas na agad-agad ang pamilya. Goodbye na nga ba sa Ismol Family?
Samantala, natuloy na rin si Yumi papuntang London, kaya iyakan ang buong pamilya.
Kinasabwat naman ni Yumi ang barkada para isumbong sa kanya ang mga kilos ni Ethan. At ano naman kaya ‘yon?
Si Natalia naman ay umutang kay Lora. Napagbigyan na siya pero gusto pang magpadagdag. Hindi na siya pinagbigyan at ang masakit pa, nakita ni Natalia na pinautang ni Lora si Bobong, kaya hayun, in-unfriend ni Natalia si Lora sa FB.
Samantala, labis ang tuwa ng mga nasa likod ng produksiyon ng Ismol Family as the family-oriented sitcom has notched its first year.
A consistent top-rater sa Sunday primetime block nito, it’s not actually the ratings that its director Dominic Zapata is most concerned about, kundi ang bawat episode nito which imparts, if not reinforces age-old family values in every Pinoy household.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III