SA PAGSISIMULA ng taong 2015, umpisa na rin ng pagiging Wifi City ng Lungsod ng Maynila. Ito ang isa sa mga priority project na magkatuwang na pinapupursigihan nina Mayoy Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno.
“Kapag nasa Taft Avenue na kayo, makakaramdam na kayo ng wifi signal,” masayang bungad nga ni Vice Mayor Isko nang makausap namin. “Nagsimula sa España, ngayon dini-develop natin na buong Maynila na. First ‘yan in the country. Na Wifi City. Ginagawa na natin ngayon sa Taft Avenue, sa Roxas Boulevard and some portions of Malate. Pati sa university belt sa Central Manila at saka sa South Manila.
“So when you’re here in Manila, while in traffic especially sa mga gaya n’yo na journalist… na may mga deadlines. Because of this technology, we can still work even though we’re stand still o hindi ka gumagalaw. I want people to be productive… anybody for that matter. At ang maganda rito, walang cost sa city. Private sector pa rin.”
Sa assessment niya, 2014 has been a tough year para sa administrasyon nila ni Mayor Erap.
“Because of the challenges of the city. At sa tingin ko, itong 2015 will be another tough year. Because you know, hindi maikakaila na iniwan na bangkarote ang Maynila ng dating adiministrasyon. Out of P4.4 billion na utang na iniwan ng nakaraang administrasyon, in one year time lang ang nabayaran ni Erap ay tatlong bilyon. So, itong 2015, physically healthy na ang Manila.”
Isang term lang naman ang plano ni Erap na ipanunungkulan niya bilang punong-lungsod. Pero kung halimbawang gustuhin daw nito ulit na tumakbo, magpaparaya raw si Vice Mayor Isko.
“For what purpose it may serve, kung halimbawang gusto pa niya ulit na mag-mayor, ibibigay ko sa kanya. For the sake of the city. E, kung napapabuti naman ‘yong siyudad. ‘Yong akin naman, personal ko lang naman ‘yon, e. ‘Yong pangarap ko na ‘yon na maging alkalde. Ang mahalaga ay ‘yong pangarap natin sa Maynila na maiayos. Kung ang Maynila ay may napupuntahan uli. Which is by 2015… debt-free na ang Maynila.”
May balita na kung hindi na tatakbong Mayor ng Maynila si Erap, ang asawa nitong si Senator Loi Ejercito raw naman ang kakandidato?
“Pinag-uusapan lang ‘yon sa mga barber shop,” nangiting reaksiyon ni Vice Mayor Isko.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan