KUNG TOTOO MANG nagbitiw na bilang legal counsel ni Dra. Vicki Belo si Atty. Adel Tamano, welcome news ito para sa marami.
Noong una pa raw kasing hawakan ng naturang abogado ang kaso, nag-iwan na ito ng tinatawawag na “bad taste in the mouth.” Ito’y sa pagkukunsidera na rin sa mga kahanga-hangang credentials pa man din daw ni Adel: kasalukuyang presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at isa sa mga frontliner ng oposisyon.
Bagama’t malaking bentahe ni Adel ang kanyang dropped-dead looks, ang pagtatanggol umano niya kay Vicki, na siya umanong itinuturo bilang nagpakalat ng sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili, ay immaterial.
Malaki pa nga raw itong banta sa planong pagtakbo ni Adel sa pagka-senador, short of saying that his lawyering services to Vicki might result in his eventual defeat.
DUMAKO NAMAN TAYO sa hindi na political wannabes. Ang tinutukoy ko ay si outgoing Quezon City councilor Aiko Melendez na wala na raw makapipigil sa kanyang planong pagtakbo bilang vice mayor ng naturang siyudad.
Aiko will have served her full three-term public office next year: a feat hard to beat. At kn “political ascent” ang pag-uusapan, hindi lang basta maghahangad ng higher step sa opisyo ang isang pulitiko, it is also making a graceful exit while leaving behind a legacy worth-remembering.
Hindi kaila kay Aiko na matindi ang QC politics lalo pa’t ang makakabangga niya ay ang anak ng outgoing ding mayor na si Sonny Belmonte. Pero para sa konsehala, bawat isa naman daw sa atin gets sidetracked, even lost on our way. Ang mas mahalaga, alam natin kung saan ang ating patutunguhan at kung paano makararating sa ating destinasyon.
With Bulacan, Bulaca vice mayor Patrick Meneses as her “honey,” dagdag-inspirasyon ito ni Aiko kung paanong nasa sapatos din siya nito pagdating sa halalan.
HINDI PO AKO abogado, pinangarap ko lang na maging. Pero kung ako ang nasa panig ng depensa bilang pagtatanggol sa pamilya Jimenez at iba pang mga akusado sa pamamaslang kay Ruby Rose Barrameda, pusong-bato na siguro ang meron ako kung hindi ko ikukunsidera ang nai-tape ng biktima na actual conversation nila ng kanyang anak noon 2007.
Iniere ng Startalk ang bahagi ng pag-uusap na ‘yon ng mag-ina. Bitibit ni Rochelle Barrameda ang audio tape na ‘yon na kanyang ipinarinig sa pamunuan ng National Press Club, Naganap ang pag-uusap na ‘yon nu’ng dalawin ni Ruby Rose si Marga sa pinapasukan nitong paaralan, assuring her daughter that she was resorting to every legal means for the custody of her children.
Hindi masasabing dinaya o enhanced ang audio tape na ‘yon, kung saan malakas ang pagtangis ng noo’y pitong taong gulang na si Marga, wanting to be with her mother mula sa Cavite kung saan dinal siya ng amang si Manny.
At the risk of jumping the gun, malaki ang bearing ng audio tape na ‘yon upang ma-establish na totoong may problema ang mag-asawang Manny at Ruby Rose, and how it resulted in the latter’s gory death is a question as big as the Navotas Fishport waiting to be answered.
by Ronnie Carasco