ACCIDENTALLY, nakita naming nagdi-dinner sa Buenisimo (by Café Ysabel) Restaurant ang anak nina Pia at Francis Magalona na si Saab. At ang ka-dinner nito eh, ang Star Magic talent na si Victor Basa.
Si Victor ang una naming napansin dahil nakatalikod si Saab.
Na-curious lang kami nang medyo sweet nga si Victor sa katabi niyang lady – na si Saab pala! So, we called their attention at tumakbo na si Saab sa akin to greet me with a hug and a kiss.
Sabi naman ni Victor, friendship pa lang ang namamagitan sa kanila. At sabi rin agad ni Saab sa akin, alam ng Mom Pia niya na nagdi-dinner sila ni Victor. Maganda rin ang takbo ng kung matatawag mang love story ng dalawa. Nag-meet sila sa isang Christmas Party. Victor got Saab’s number pero nawala ang mga contacts sa phone ni Victor kaya hindi na sila nagkaroon ng communication. Pero sabi nga, if you are destined to be, ayun, nagkita sila sa isang graduation naman at naging simula na ‘yon ng isang magandang pagtitinginan. Simula muna nga sa friendship, na sa tingin naman namin eh, magiging romantic din in the end.
Dahil nalaman ng mga TV crew na nagko-cover ng launch nina Angelica Panganiban at Jake Cuenca para sa The Bar na nasa same restaurant sina Victor at Saab, hiniling na nila na ma-interview na rin ang mga ito on cam.
Siyempre, I texted Pia na tamang-tama naman na kabababa pa lang ng plane from her Bacolod trip. At sabi naman niya, she knows na nagdi-dinner nga ang dalawa. Mukhang boto naman ito sa binata for her daughter. At kami na rin ang nagsasabing bagay sila!
Ang message lang sa akin ni Pia sa text: “Do easy on them. Awryt!” with a smile.
NAGBUNGA NA NG maipagmamalaking mga atleta ang “Batang QC Olympics” na proyekto ng butihing Mayor at Vice Mayor ng Quezon City na sina Sonny Belmonte at Herbert ‘Bistek’ Bautista. Nagsimula ito noong 2002. At ngayon nga, maraming mga kabataan na ang nasa national pool lalo na sa larangan ng taekwondo, karate at archery, kung saan nga nakapag-uwi na ng karangalan si Amaya Paz mula sa mga kumpetisyong sinalihan nito sa archery sa loob at labas ng bansa. Si Paz na graduate ng UP Diliman ay naka-tatlong gintong medalya sa 2006 Asian Grand Prix sa Kuala Lumpur, Malaysia, at sa 2007 SEA Games sa Thailand.
Tatagal ng isang buwan ang nasabing Olympics – mula April 18-May 19 sa Amoranto Sports Complex sa Roces Avenue. Nagbibigay ito ng oportunidad sa mga kabataan ng siyudad, mula 9-21 anyos. Academic scholars ang naghihintay sa mga atletang magsisipagwagi. Suportahan ang mga kabataan at panoorin ang mga laban nila sa basketball, cycling, swimming, table tennis, karate-do, taekwondo at volleyball.
Inusisa rin namin si Vice Bistek sa intrigang may tampo diumano sa kanya ang master showman na si Kuya Germs (Moreno). Ito ba ‘yung may kinalaman sa paggawa ng Kyusi as the ‘city of stars’?
Sabi naman ni Vice Bistek,sinimulan nga raw ito noon ni Dingdong Avanzado. Pero parang idineklara lang. Kaya naman daw nilagyan nila ng laman ang panukala noon ni Dingdong. At ang isa nga eh, may kinalaman sa amusement tax. Miscommunication lang siguro ang namamagitan sa kanila ni Kuya Germs, pero pasasaan ba at kung mauupuan naman nila ito eh, siguradong may magandang bungang ihahatid.
The Pillar
by Pilar Mateo