MUKHANG MAG-I-STICK SI Victor Basa sa ABS-CBN, very much unlike Jon Avila, na mukhang nagustuhan na ng TV5 at tampok ito sa ilang shows doon, including Party on 5 na katapat ng ASAP XV. Mukhang sa bagong agreement with TV5, mas nakalalamang ang exposures ni Jon sa network ni Mr. Manny Pangilinan, at sinasabi ngang baka mas bongga ang chances ni Jon sa kabilang istasyon kaysa kay Victor na matagal na rin naman sa Dos.
Si Victor naman ay hindi kasi nagmamadali. Okey rin lang na makalabas siya sa ibang network, pero loyal pa rin siya sa Dos. Besides, okey pa rin daw na makalabas si Jon sa ABS-CBN, for as long as walang conflict ang mga nilalabasan nitong programa.
Ang maganda kasi kay Victor, hindi siya basta sa hosting lang nabibigyan ng tsansa. Nagpapamalas na rin ito ng naiibang husay sa drama. In fact, sa indie film na Romeo at Juliet, lumutang muli si Victor, na gaya sa ginawa niya sa role niya bilang tagong bading sa Maling Akala. Kumbaga, mas may malinaw na direksiyong tinatahak si Victor bilang aktor kung ikukumpara kay Jon, o sa iba pa niyang kapanabayan.
Hindi siya tinalbugan ni Alessandra de Rossi sa Romeo at Juliet na isa ring mahusay na aktres, kaya malaking achievement na ito para kay Victor. Nababaitan si Victor kay Alex, despite the fact na maingay ang aktres at kilala sa pagiging mataray at prangka. Pero, kung kikilalanin daw ay very adorable ito, at sa pangungusap nga ni Victor, masasabing nahulog kay Alex, kahit paano, ang loob nito habang tinatapos ang nasabing pelikula.
MAY MGA NAG-DISCOURAGE kay Fanny Serrano na tigilan na ang pagpapadirek kay Buboy Tan. Iba’t iba raw ang reaksiyon, mayroon daw nagtatawa. But despite Buboy’s inconsistencies as a filmmaker, wala naman itong pretensiyon. In fact, ang kasimplehan at kababawan ni Direk Buboy ang sa palagay namin ay nagpapalapit sa kanya sa pagiging totoo.
Sabi nga ni Direk Buboy, ang kanyang hinahangaang direktor ay si Carlo J. Caparas. Humahanga rin siya sa iba, pero nanggaling din kasi si Direk Buboy sa pagiging nobelista sa komiks gaya ni Direk Carlo J.
Maganda ang team-up nina TF at Direk Buboy. Nagkasama na sila sa Tulak, at susundan ito ng sinu-shoot nang Tarima. Ibang-iba nga si TF sa pelikulang ito, at kung napabilib ang marami sa malalim na estilo ni TF bilang artista sa Tulak, mukhang worth the wait ang tagal ng ipinaghintay ng marami sa muling pagbabalik ni TF sa big screen.
At sa Tarima, kay TF talaga ang kabuuan ng pelikula at mayroon pa siyang dalawang mahuhusay na baguhang leading men na parehong guwapo, huh, — sina Rocky Salumbides at Raymond Cabral. Sinusuportahan pa siya ng mahuhusay na artistang gaya nina Gloria Romero, Gina Alajar, Rustica Carpio, Ana Capri, at iba pa.
Calm Ever
Archie de Calma