Victor Neri: Action Star-Turned-Chef

GEDSC DIGITAL CAMERAMATAPOS ANG pitong taong pananahimik sa showbiz, hindi natin namalayan na lumipad patungong France ang kilalang action star na si Victor Neri upang mag-aral ng culinary arts sa pamosong culinary school na Le Cordon Bleu. Sa ngayon bilang chef at artista, masaya na siya kapiling ng kanyang pamilya. Mayroon na siyang isang binatilyong anak na lalaki at mayroon pang isang paparating. Whew… Congrats, bro!

Kinunan natin ng maikling linya si Victor.

Ah, Victor, parang medyo tumaba ka na. Anong ginawa mo? Mukhang alanganing tanong, hehehe… nangapa ‘ata ako.

Sabay tinitigan ako. “Ah… (sabay tingin sa malayo ng halos sampung segundo), kumain! Ahhh… bakit, ‘di ba? Heheheheh! Meron pa ba?” tugon ni Victor. “Hahaha! “

Ahahahahah! Natawa rin ako. Teka muna! (hinila ko pabalik si Victor nagbibirong paalis na). Mukha naman siyang mabait kahit na katulad kong mukhang maton. Kumusta naman ang lovelife natin?

“Ah, ayos naman, ayos naman…”

Ah, nauuso at bumabalik na naman ngayon ang mga action film. So what do you think? Sa ngayon wala pa bang offer?

“Ah, maganda talaga ‘yung mga ganoong concept. Pero sa ngayon wala pa.”

Sa ngayon busy si Victor sa bago niyang libangan ang pagiging chef. Ayon sa kanya, open naman siya sa anumang offer bilang artista. Para kasi sa akin, kailangan ito para mabuhay muli ang mga mahuhusay at beteranong mga action star.

GEDSC DIGITAL CAMERAAlex Vincent Medina: Bagong Mukha ng Kahusayan sa Karakter

 

SI ALEX Medina ay anak ng character actor na si Pen Medina. Bago pa man sa industriya ay nakatanggap na siya ng best actor award sa pelikulang Palitan sa produksyon ng Cinema One Originals. Kaya naman masasabing isa siyang bagong mukha ng kahusayan sa pagganap sa pelikula at telebisyon.

Ano ang nararamdaman mo sa pelikula na mga kontrabida ang role na ini-offer sa ‘yo, mas challenging ba? Mas okey ba sa iyo ‘yung role?

“Sa mga role ko, I make it a point na ipinapakita ko kung sino ‘yung mabuti at kung sino ‘yung masama. ‘Yung mas maipakikita iyong as humanly as possible. Ang challenging sa role, kahit masama ba o mabuting tao, dapat makikita ‘yon sa character.”

Ang importante ba nalaro mo ‘yong role mo?

“Opo. ‘Yung nagawa ko siyang effective.”

But, ‘yung mga tulad mo parang me pagka-character actor ‘yong dating, eh. Para sa akin, ‘yung actor nawawala, pero ‘yung pagko-kontrabida parang nadyan eh, hindi basta nawawala.

“Sa akin kasi kung ano ‘yong dumating na role, kailangang i-maximize ko talaga na magugustuhan ng mga tao. Nag-indie po ako noong 2012. Tapos ‘yun kinuha na ako ng mga network at binigyan nila ako ng break sa mainstream.”

Kasi kahit na mga sikat, nangangarap din silang pumasok sa indie, kasi p’wede sa international. ‘Yung dito sa atin, atin lang, iba ‘yung dating kung makilala ka international. Ikaw sa pananaw mo, bago mo pinasok ito, mas matindi ba ang indie films?

“Ah, siguro mas open lang sa mga topic. Eh, ngayon sa mga mainstream, mas open na sila sa mga topic. Dati they are trying to dahil sa kita lang. Pero ngayon nag-o-open na ang mainstream.”

Ah, ‘di ba sa mga artista eh, may mga kinasasangkutang kontrobersya. Ano ba ang mga kinasasangkutan mong kontrobersya na gusto mong ipaliwanag para magkaroon ng linaw?

“Haha! Wala ako… medyo boring buhay ko, eh.

Assistant: Ah, anak po siya ni Pen Medina…”

Ah, anak ka pala ni Pen Medina, may hitsura ka ano? Pero (sabay bulong) sino ba talaga ang mas may hitsura sa inyo ni Pen?

“Hahaha! Sa totoo lang, walang tatalo talaga kay Pen.”

Pero Alex halika! (sabay binulungan ko ulit). Ah, alam mo gano’n din talaga ang sinasabi ng anak ko, eh. Hahahahha!

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. E-mail: [email protected] cp. 09301457621

Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia

Previous articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 127 October 15 – 16, 2014
Next articleInstagrab 10/16/14

No posts to display