IPINAHAYAG na ang listahan ng mga nagsipagwagi sa 19th PASADO Awards. Kabilang sa mga nanalo sa award-giving body ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro mula sa iba’t ibang paaralan at pamantasan sa buong bansa sina Vilma Santos, Charo Santos-Concio, Allen Dizon, Enrique Gil, at Piolo Pascual.
Big winner din dito ang BG Productions International na ang pelikulang “Iadya Mo Kami” ay nakakuha ng limang major awards. Kabilang sa napanalunan ng movie company na pag-aari ng businesswoman na si Ms. Baby Go ang Pinakapasadong Pelikula ng Taon – “Iadya Mo Kami” (kasama ito ng “Ang Babaeng Humayo”, “Tuos”, “Hele sa Hiwaga ng Hapis”, at “Ma’ Rosa”).
Pinakapasadong Direktor – Mel Chionglo (tabla sila ni Direk Lav Diaz para sa “Ang Babaeng Humayo”), Pinakapasadong Aktor – Allen (triple-tie sila nina Enrique Gil ng pelikulang “Dukot” at Piolo Pascual para sa “Hele Sa Hiwagang Hapis”), Pinakapasadong Katuwang na Aktres – Aiko Melendez (ka-tie si Barbie Forteza para sa “Tuos”), at Pinakapasadong Sinematograpiya – Mycko David.
Ang “Iadya Mo Kami” ang latest na obra ni Direk Mel na umikot ang istorya sa isang pari na naanakan ang kanyang kasintahan. Ipinakita rin sa pelikula kung paano namamanipula ng mga taong makapangyarihan ang mga malilit na sektor ng lipunan.
Ito na ang fourth trophy ni Congresswoman Vilma Santos na naka-tie rito si Ms. Charo. Kaya isa na lang ay aakyat na siya sa listahan ng Hall of Famer ng PASADO at makasasama si Ms. Nora Aunor na two years ago ay naging Hall of Famer na. Ang Superstar pa lamang ang nag-iisa at unang nailuklok sa Hall of Fame ng grupong PASADO.
Samantala, ipinahayag ni Dr. Manny Gonzales, Chairman ng Board of Trustees ng PASADO ang PAMBANSANG SEMINAR-WORKSYAP 2017 ng Departamento ng Filipino sa ilalim ng Kolehiyo ng Malalayang Sining ng De La Salle University-Manila (DLSU-Manila) na may temang Sipat-Suri, Literasi, at Kompetensi: Ang Midya at Wikang Filipino sa Pagtuturo at Pagkatuto Mula Elementarya Hanggang Kolehiyo. Gaganapin ito sa Abril 26-29, 2017 (Miyerkules hanggang Sabado) sa Yuchengco 407-409 sa DLSU, Taft Ave., Maynila. Inaanyayahan ang mga interesado na dumalo at makipagtalakayan sa mga Dalubguro gamit ang mga makabuluhang pelikula ng 2016.
Incidentally, gaganapin ang awards night ng PASADO sa April 28, 6-9 p.m. sa De La Salle University, Manila.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 19th PASADO awards:
PINAKAPASADONG PELIKULA NG TAON
Iadya Mo Kami – BG Productions International
Ang Babaeng Humayo – Cinema One Originals, Sine Olivia Pilipinas
Tuos – Purple Pig Productions
Hele sa Hiwaga ng Hapis – Star Cinema, Ten17 Productions, Epicmedia, Sine Olivia Pilipinas
Ma’ Rosa – Center Stage Productions
PINAKAPASADONG DIREKTOR
Mel Chionglo – Iadya Mo Kami
Lav Diaz – Ang Babaeng Humayo
PINAKAPASADONG AKTOR
Allen Dizon – Iadya Mo Kami
Enrique Gil – Dukot
Piolo Pascual – Hele Sa Hiwagang Hapis
PINAKAPASADONG AKTRES
Vilma Santos – Everything about Her
Charo Santos-Concio – Ang Babaeng Humayo
PINAKAPASADONG KATUWANG NA AKTOR
Zanjoe Marudo – The Third Party
Paulo Avelino – The Unmarried Wife
PINAKAPASADONG KATUWANG NA AKTRES
Aiko Melendez – Iadya Mo Kami
Barbie Forteza – Tuos
PINAKAPASADONG ISTORYA
Denise O’Hara – Tuos
PINAKAPASADONG TUNOG
Roberto Delgado – Kute
PINAKAPASADONG MUSIKA
Robert Delgado – Kute
PINAKAPASADONG EDITING
Lav Diaz – Ang Babaeng Humayo
PINAKAPASADONG SINEMATOGRAPIYA
Mycko David – Iadya Mo Kami
PINAKAPASADONG DULANG PAMPELIKULA
Denise O’Hara – Tuos
PINAKAPASADONG DISENYONG PAMPRODUKSIYON
Popo Diaz – Hele Sa Hiwagang Hapis