VILMA SANTOS, ‘DI PAPAYAG NA MAGING LEADING LADY LANG?

MISMONG SI DIREK Tikoy Aguiluz, direktor ng biopic ni Emilio Aguinaldo na El Presidente, ang umaming kinausap na nila si Batangas Governor Vilma Santos upang i-offer ang first wife role ni Aguinaldo, to be played naman ni Laguna Governor Jorge Estregan, Jr. In time ito for the Metro Manila Film Festival 2011 na this early ay nai-announce na ng produ-cers ang kanilang intent to join the said December filmfest ng mga pelikulang Pinoy.

Sey ni Direk Tikoy, who’s making a big comeback sa cinema after her 2003 last shown movie na xxx.com, kinausap nila si Gov. Vi, pero hindi pa ito napapayag, as of press time. “Nag-usap na kami. Pero alam mo naman ‘yun, superstar ‘yun, e,” sambit ni Direk.

Paano ‘pag pumayag si Governor Vi?

“Oo naman, maganda. Ang experience ko kasi, kapag mas malaki ang star, mas madaling kausap, e. Mas mahusay. In terms of pagdirek mo, take one lahat ‘yun. Si Governor Vilma, walang Take 2-Take 2, Take 1 ‘yan!”

May nag-suggest ng pa-ngalan ng isa pang de-kalibreng aktres, pero nananatili itong “suggestion” and we don’t know if it will be a good vehicle for the said actress.

Pero ayon sa chika, si Iza Calzado na ang kukunin nila instead of Vilma?

“Kinu-consider din si Iza, pero iba pa rin siyempre ‘pag nagka-casting ka na in front of the camera. Iba ang lalabas sa screen, e. May gagawin kaming indie film ni Iza na pinaplano, horror-drama ‘yun.  That’s our project together.

“Hindi pa rin maumpisahan, wala ring funding. Kasama niya ang isang Thai actor. Meeting pa lang kami. Principal photography namin ay bago mag-June. Bago mag-rainy season,” sey ni Direk Tikoy.

Kunsabagay, kung gagawa man ng movie si Ate Vi, at this point in her career eh, namimili na ito ng proyektong gagawin.  Kung gagawa siya ng movie, lalo’t pang-MMFF, dapat lang na siya ang bida, at hindi basta asawa ng bida. So there.

NASA CLOUD 9 ang production staff ng Mara Clara ng ABS-CBN dahil ang said teleserye nila ang number one ilang buwan na sa lahat ng Kapamilya teleseryes nila, in all fairness!

Matatandaang isang “experiment” on the part of ABS-CBN ang mag-remake ng homegrown hit TV shows nila nu’ng 1990s, like ang Mara Clara na pinagbidahan noon nina Judy Ann Santos and Gladys Reyes.

Who would ever tell na ang nasabing remake ay kakagatin ng publiko, to think na mga “da who” pa ang dalawang bida nang ilunsad ang kanilang show, sina Kathryn Bernardo and Julia Montes.

Ang Pinoy ay likas na mahilig sa drama, with matching sampalan blues, at ito ang forte ng Dos, kung papaano ang forte naman ng GMA-7 ay ang fantaserye.

Mabuti ring “nasagip” ng ABS-CBN ang muntik-muntikan nang pag-consider ni Kathryn noon na pumirma sa GMA-7, nu’ng binigyan siya ng break as young Marian Rivera sa Endless Love. At that time kasi ay expired na ang contract ni Kathryn sa Star Magic, pero mabilis ang grupo ni Mr. Johnny Manahan at napa-renew ito ng contract, with Mara Clara as new show niya.

We’re also happy for John Manalo na  nag-stay na “loyalist” as Kapamilya kahit may nagawa itong short stint sa TV5 nu’ng panahong wala pa ang Mara Clara at para bang hindi malaman kung saan papunta ang career nito dahil sa “awkward stage” ang kanyang edad.

Isa si John sa may pinakaguwapong mukha at nakakaarte among his contemporary actors at halos “ipanganak” talaga sa Dos, kaya he certainly deserves this big break!

For feedback, e-mail us at [email protected].

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleKAHIT TSINUGI NA… SEXBOMB GIRLS, THANKFUL PA RIN SA EAT BULAGA!
Next articleTAMBALANG ALJUR ABRENICA AT KRIS BERNAL, WALA NANG HATAK?!

No posts to display