NAG-HONG KONG LANG kami sandali kasama ang aming mag-iina ay kung anu-ano na pala ang mga kaganapan. Iniwasan muna namin ang telepono para ma-enjoy namin nang bongga ang HK with our kids, kaya naman pagdating namin dito, kalokah!
Bago kami tumulak, nabalitaan na namin na binaril at pinagsasaksak ng ‘di pa nakikilalang suspect ang 22-year old na binatang anak ni Don Ramon Revilla kay Genelyn Magsaysay.
Na ang nakakalokah, nu’ng Nov. 1 naman sa Hong Kong na namin na-balitaan na ang diumano’y mastermind ay ang nakababatang kapatid nito na si RJ (Ramon Joseph) at ang sister nito na si Ramona.
Juice ko, sabi ko nga, parang teleserye ang nangyayari.
Tapos, pagdating na namin ng ‘Pinas, nabalitaan na pinatay ang tatay ni Charice Pempengco sa Laguna na nagpatong pa sa ulo ng suspect ng P200,000.
Nabalitaan din namin na namatay na rin ang aming kaibigang director at the age of 68, si Direk Boots Plata na asawa ng talent manager ni Carmina Villaroel at Eric Quizon na si Tita Dolor Guevarra.
Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga Revilla, kay Charice at sa mga naulila ni Direk Butse.
GUSTO LANG NAMING batiin ang isang artista na hindi ipinaramdam sa amin kung anong posisyon meron siya ngayon. Kaya nga love na love namin siya, dahil ever since, mas gusto niyang “ate” ang itawag sa kanya kesa sa “Gov”.
Sino pa nga ba ang aming tinutukoy kundi si Batangas Governor Vilma Santos Recto na ang edad ay hindi na namin itatanong, dahil mortal sin ‘yon. Pero sa amin, si Ate Vi ay hindi pinagbabago ng panahon ang mukha.
Saka ang ugali, in fairness, kahit yata ano ang marating ng taong ito, nananatiling nakatapak sa lupa ang mga paa.
Nakatrabaho ko na ang mga “stars” at si Ate Vi ‘yung talagang she will go out of her way to reach you, kaya nahihiya kami sa kanya pagka gano’n.
Si Ate Vi ay lagi rin naming ka-BBM. At siya rin ‘yung nanay na paalala nang paalala na kami na raw ang bahala kay Luis habang wala siya, kaya nagpapaka-feeling madir naman kami rito kay Luis.
At this point (me at this point pa kaming nalalaman, huh!) ay gusto naming pasalamatan si Ate Vi for being a good daughter to her mom, a good sister to her siblings, a good mom to Luis and Ryan Christian, a good wife to Sen. Ralph Recto, a good public servant to her cons-tituents in Batangas.
And a good person.
Thank you, Ate Vi! Lagi mong iingatan ang iyong kalusugan, dahil kaila-ngan ka pa ng industriya, ng iyong nasasakupan at ng iyong pamilya.
Love na love ko ‘yan, promise.
I’m sure, ganu’n din ang feeling n’yo.
BLIND ITEM: ‘DI namin kinaya ang isang tsikang ito. Na kapag masyado na palang kumportable sa isang tao ang isang guwapo at tinitiliang aktor ay hindi na ito nahihiyang mag-bading-badingang lengguwahe.
“Kumusta ka naman diyan, mama? Ano na ang latest?” Ganyan daw palagi ang lumalabas sa bibig nito. Kaya ‘yung ibang kasama ay nagdududa na sa kasarian nito.
Pero sabi naman namin, hindi naman batayan ‘yon para sabihing bakla na ang isang tao.
“Eh, tingnan mo naman ngayon, Ogie, me nabalitaan ka bang girlfriend niya?”
Sagot namin, “Gagah, ‘wag ka nang lumayo. Ako nga, me asawa pa at apat na anak, ano, barako na ba ang dating ko sa ‘yo?”
Natawa na lang ang aming kausap. At tinanong pa namin ito kung type ba niyang mahada ang aktor na ‘to?
“Oo naman, ‘teh. Ang gwapo, ‘no!”
“O, kaya ‘wag mo nang pagdudahan, dahil kahit bading pala, gusto mo pa ring hadahin, choosy ka pa!”
Hay, naku… ‘eto naman ‘tong mga ‘to, sa siyudad naman nakatira, ba’t tsumu-choosy pa!
O, siya, ‘eto na ang clue. Ang initials niya ay nasa first six ng alphabet.
Ang dali, ‘no?
CONGRATS SA BUMUBUO ng Praybeyt Benjamin dahil sa unang walong araw ay pumalo na ang total gross nito sa P200M! Kalokah! Kaya feeling namin, aabot din ito ng P250M o higit pa.
Nangangahulugan lang na talagang si Vice Ganda na nga ang ‘The Unkabogable Star’.
‘Pag nilampasan pa niya ang No Other Woman, saang category kaya siya kabilang? Box-Office… King or Queen?
Oh My G!
by Ogie Diaz