ANIM na dekada na sa showbiz industry ang Star for all Seasons na si Vilma Santos at sa tagal niya sa industriya ay aminado ang aktres na minsan ay naging unprofessional din siya at pasaway bilang artista lalo na nung panahon ng kanyang kabataan.
Inamin ni Ate Vi ang tungkol dito sa isang podcast interview na ayo pa sa kanya ay hindi nalalayo sa ugali ng ibang showbiz personalities.
“Yes, oo, naging unprofessional din ako,” pagtatapat ng award-winning actress. “There was a time in my career, yung part ng career ko o ng buhay ko na nagtatrabaho pa rin na unprofessional din ako,” dagdag pa niya.
Kuwento pa ni Ate Vi, kapag ayaw niya raw magtrabaho ay hindi niya sinisipot ang syuting ng pelikula. Meron din daw siyang palaging ginagamit na excuse kapag tinatamad siya.
“Yes, oh my God! Naka-set up na pero hindi ako uma-attend sa shooting. Darating na lang doon yung sasakyan ko at sasabihin wala po si Ate V kasi masakit ang tiyan, mayroon po siyang period..
“Yon ang laging dahilan kaya sasabihin, hindi na matapos-tapos yang period na yan. Kapag hindi ako dumarating sa set, lagi na lang may period yan. Hindi ba natatapos yang period na yan?” pagre-recall ng actress-politician.
Pero nang kinalaunan ay nabago rin kaagad ni Ate Vi ang kanyang attitude. Na-realize ni raw kasi na mali ang kanyang ginagawa. Humingi rin daw siya ng pasensiya at pinahalagahan ang panahon at effort ng mga katrabaho.
“Doon mo lang na-realize na hindi lang ikaw ang nagsu-suffer diyan. Paano yung mga crew na sumusuweldo? Kapag hindi ka nag-shooting, hindi na babayayan yan, yung time nila, yung mga artista. So natututunan mo yon habang nagma-mature ka. Doon mo naa-appreciate na, ‘oh my god, no man is an island.’ Hindi puwedeng ikaw lang,” sabi pa ng veteran actress.
Halos lahat na ng karakter sa pelikula ay nagampanan na ni Ate Vi kabilang ang pinaka-iconic role niya bilang Darna.
“I’m lucky enough be able to do iconic roles like Darna and Dyesebel. But the tuning point of my career na na-consider ka talaga na artista na ako was when I did Burlesque Queen. Sabi nila doon ako nakilala o na-acknowledge bilang isang artista.
Mula rin daw noon ay pinag-isipan na niyang mabuti kung paano tatagal sa industriya.
“Dapat kasi pinag-iisipan talaga what’s next. Ano yung pupuwede pang ma-enhance para yung career mo may longevity at para hindi naman ikaw stagnant o kinasasawaan,” lahad niya.
Ayon pa sa dating kongresista, hinding-hindi niya malilimutan ang mga ginawang pelikula na nagsusulong at sumusuporta sa women empowerment.
Lahad niya, “I was able to do Sister Stella L, Bata Bata, Paano Ka Ginawa, Dekada ’70, Anak, Relasyon… playing a role of a mistress where, modesty aside, I won my first grand slam.”
Naniniwala din ang award-winning actress na kailangang matuto rin ang ang mga senior stars na mag-adjust at makibagay din sa younger generation of stars na belong sa tinatawag na Gen Z. Hindi raw pwede na puro makaluma pa rin ang approach para maiwasan ang pagkakaroon ng mga isyu at problema.