MERON AKONG artistang friend sa facebook. Binasa namin ang status niya. Sigurado kaming mali ang grammar niya. Pero hindi na para kopyahin namin at i-repost sa aming Twitter or Facebook. Eh, juice ko, ako ba, perfect? Hindi rin naman.
Nagdudugo nga ang ilong namin ‘pag magko-construct ng sentence in English. Dahil kami ay naniniwala na ‘pag alam mo nang mali, dalawa lang ‘yan: Sasabihin mo ba sa kanya para mai-correct siya o mananahimik ka na lang at hahayaan mo na lang ‘yung iba ang makapuna?
Hindi na para isailalim pa siya sa embarrasment.
At least, pa-blind item lang ito. Ni hindi rin kami nagbigay ng clue, kasi baka ‘pag nagkita kami niyan eh, pitikin pa niya ang baya_ namin.
O, kitam. Matatapos n’yo nang basahin ang opinyon naming ito, pero ‘yung iba sa inyo, hindi na-notice na kulang pa ng isang “S” ang spelling ng “embarrasment.”
Dapat ‘yan “embarrasments.”
Hahahaha! Charot lang.
BINA-BASH NGAYON ng netizens si Ate Vi, dahil nabasa nila ang message nito sa card kasama ng ensaymadang iniregalo nito kay Kris Aquino. Pero mas bina-bash ngayon si Kris, dahil sa rason na hindi naman para i-share pa ‘yong card ni Ate Vi sa kanyang instagram account, kaya tuloy umani ng pang-ookray ang Star for All Seasons mula sa netizens.
Pero ang maganda kay Ate Vi, hindi niya ito iniyakan o kahit pagkapikon ay hindi niya ipinamalas. Inamin pa nga niya ang pagkakamali with matching dayalog na, “Marami pa akong dapat na matutunan.”
Pero kung hindi ‘yan si Ate Vi at palaban ‘yan sa mga bashers, pupuwedeng ang sabihin niyan ay, “Hoy, gusto ko lang i-remind ang mga bashers ko na, so ito lang pagkakamali ko sa Ingles ang nakita n’yong mali? Pinagpiyestahan n’yo na kasi nga, wala kayong makita sa aking mali, kungdi grammar lang.”
O kaya kung iba-iba si Ate Vi, ang isasagot niyan, “Maraming salamat at grammar lang ang mali sa akin. Thank God at hindi ako lasinggero, sugarol, addict, unprofessional, nangungutang nang hindi nagbabayad, balasubas, at kung anu-ano pa! Ang importante sa akin ay matatag ang pamilya ko, naglilingkod ako nang tapat sa mga nasasakupan ko, at higit sa lahat, hindi ako marunong mang-eskandalo ng kapwa!”
Kung ganyan katapang si Ate Vi, ha? Pero sa tagal na sa industriya ni Ate Vi, hindi na bagay sa kanya ang magtatarang. Hahayaan na lamang niya ang mga taong naniniwala sa kanya na dumepensa at magtanggol sa kanya.
At ‘yun ang nangyayari ngayon.
Oh My G!
by Ogie Diaz