OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka na naman tayo mula sa mahaba-habang vacation. at alam kong marami ang magtataasan ng kilay sa chikka ko ngayon, kasi alam ng lahat na Vilmanian na ako. Pero wala kong magagawa, kasi last Saturday bago mag-Holy Week after may program sa DZRH at RHTV, paglabas ko sa booth, nakasalubong ko si Madam Cecille Quidote-Alvarez, isa sa pinagkakatiwalaan ko sa National Artist awards at tinanong ko kung sino ang mauunang maging National Artist kina Nora Aunor at Vilma Santos dahil pinapatanong sa akin ng isa kong kaibigan na Vilmanian para klarado na sa lahat.
Ang sinabi niya sa akin, yes, si Nora Aunor ang mauuna. Pero bago siya bigyan ng award, may matatanggap muna siyang award mula sa tanggapan ng National Artist na pinakamataas na award sa larangan ng sining, at si Vilma, maaaring sa susunod na bigayan ng awards ay ma-nominate na rin siya, pero marami pa ang naka-line-up.
At tungkol naman doon na si Dolphy muna, yes, si Dolphy talaga dapat kaysa kina Vilma at Nora. Kasi ‘yan ang napakainit na pinagtatalunan ng Vilmanians at Noranians. ‘Yung totoo lang, ha, hindi kasama ang ngayon lang ipinanganak at hindi naghirap bago maging Noranian, na ako kahit Vilmanian, ok lang sa akin kung ‘yun ang pasya ng mga hurado sa National Artist. Ibig kong sabihin, nirerespeto ko at ginagalang ko ang kanilang pasya.
Kasi para sa akin, hindi na dapat pagtalunan ‘yan, kasi lahat naman ng magagaling na artista ay magkakamit din ng naturang parangal. Kaya lang, hindi naman sabay-sabay ‘yan, may nakatakdang panahon para sa kanila.
Kaya payo ko sa Noranians at Vilmanians, magrespetuhan na lang tayo. Kasi tulad ko na may propesyon tulad ng pagiging broadcaster ko at columnist dito sa Pinoy Parazzi, hindi lang naman ako fan nina Nora at Vilma, kundi may tungkulin din akong ginagampanan sa lipunan bilang mamamahayag. Kaya po sa mga fans na hindi ako maintindihan, please sabi nga ni Rudy Fernandez nu’ng nabubuhay pa, trabaho lang, walang personalan.
Darating ang araw, alam kong maiintindihan din ako ng mga fans, kasi nga may obligasyon akong gina-gampanan sa industriya. Kasi ang tingin nila sa akin ay ordinaryong fan lang ako. Yes, inaamin ko talaga na hanggang ngayon may fan mentality pa rin ako. Kasi ngayon ang hinahangaan kong singer ay si Marion Aunor hindi sa porket anak ni Maribel Aunor at tita niya si Nora, kundi may angking talino rin siya na naiiba sa lahat, maging sa kanyang ina at tita. At sa lalaki naman, si Gerald Santos na kung mabibigyan din ito ng pagkakataon na maalagaan ng tamang management or ng isang channel like Dos, I’m sure, aarangkada ang career nito. Kasi walang direction ang career ng bata, dati sa Channel 7, naintriga, ngayon, Channel 5. Mukhang napabayaan. Pero kung aalagaan ito ng Dos, tiyak aarangkada ang career nito.
Bakit hindi subukan ang dalawang ito na maalagaan nang mabuti. Take note, marami ang kakabugin ng mga ito. Alam ko ‘yan, sa tagal ko na sa industry, nakikita ko ang may ibubuga at wala. Say n’yo! ‘Yun na.
SIYA NGA pala, masama daw ang loob sa akin ng kampo ng gobernador ng Laguna, kasi bakit daw si Egay San Luis ang aking sinasabing dapat lang na siya naman ang pagbigyan ng mga taga-Laguna, lalo na sa mga naghahangad ng pagbabago. Isa pa nu’ng napanood ko ang Tapatan nila sa Dos with Anthony Taberna, nakita ko na napakalaki ng pagkakaiba ng dalawa: si Egay San Luis, napaka-propesyonal magbitiw ng mga salita, pero nu’ng ang gobernador na ang magsalita, utang na loob, napakagarapal, lalo na nu’ng sabihin niya na hindi siya hampas-lupa at ga-ling siya sa marangal at mayamang pamilya.
OMG! parang nawalan talaga ako ng respeto sa kanya. Bakit? Kawawa naman ng mga botanteng hampas-lupa sa Laguna. I’m sure 99% ng mga ito, minumura nang palihim ang kasalukuyang gobernador. Sana nagpakumbaba na lang siya at nagpakatotoo, ‘di ba?
Kung ako ang tatanungin, doon pa lang sa arangkada nila, nilamon na nang buong-buo ang naturang gobernador ni Egay San Luis, na sabi nga kung mapagkakatiwalaan ito, siya ang gobernador na malinis at serbisyong mabilis, mahigit pa sa 24/7. ‘Di ba naman? Laguna, gising na kayo!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding