OLA CHIKKA! Don’t make your Monday a blue Monday. Lalo na sa mga mahal kong Vilmanians na laging nagbabasa ng aking column dito sa Pinoy Parazzi. At ‘pag si Gov. Vilma Santos-Recto ang laman ng aking column, napakalakas talaga. Pati Vilmanians abroad ay nagpapabili ng Pinoy Parazzi. Tuwang-tuwa sila ‘pag may bagong balita tungkol sa nag-iisang QUEEN OF ALL THE STARS, Vilma Santos.
Natutuwa ako sa kanila, kasi hanggang ngayon, 101% pa rin talaga ang suporta nila kay Ate Vi at systematic talaga ang kanilang fans club sa pamumuno ni Jojo Lim. Ito siguro ang fans club na walang iringan at kayabanggan. Basta ang hangad nila, maiangat ang kanilang idolo sa pedestal at walang hinahangad na kapalit. Hindi tulad ng ibang fans club na international, kung sino ang sikat ngayon, doon sila. Ang fans ni Ate Vi ay talagang solid, lalo na si Willie Fernandez.
Hala, umpisahan na natin ang chikka. ‘Yun na nga, hindi biro ang nangyaring shooting ng Extra sa isang kalye sa Balic-Balic. Nagsara talaga at dahil sa pagkakagulo ng mga tagaroon at fans sa pagdating ni Ate Vi, kung saan ginanap ang shooting sa rooftop ng isang bahay, mga estudyante ng FEU at iba pa ang nabulabog at nagsisigawan ng ‘We love you, Ate Vi!’
Nagmistulang fiesta ang location shooting ng 2 p.m. na nagtapos ng 5 a.m. Pero hindi mo makikitaan ng pagod ang nag-iisang Star For All Seasons Ate Vi. Gustung-gusto kasi niya ang role. Saludo naman si Direk Jeffrey Jeturian sa kanyang professionalism.
Siyempre pa, sumugod doon ang mga solid Vilmanian sa pangunguna ni Jojo Lim, Al Valencia, Manny Nava, Master Joey, Amy David, Burlesk Queen, Kristine Lomeda, Randy Espinosa, at iba pa.
Naka-2 days shooting na si Ate Vi. Pipilitin ni Ate Vi na matapos ang Extra hanggang Pebrero. Magsisimula ang Cinemalaya Film Festival on July 23 to August 4. Inaasahan ang pagwawagi ni Ate Vi ng Best Actress sa iba’t ibang award-giving bodies. At pagkatapos nito siyempre, magiging abala na siya sa pangangampanya sa Batangas bilang governor ng nasabing lugar. More to come, Gov. Vilma Santos-Recto. Good luck!
YES! NGAYONG araw na ito ang aming premiere red carpet ng pelikulang I Luv U, Pare Ko sa SM Megamall, Cinema 8 na pinagbibidahan nina Rocco Nacino at Rodjun Cruz. Siyempre kasama ang inyong lingkod at ang kaibigan kong si Arnell Ignacio, Xixi Maturan, Isadora, Julio Diaz, Wonder Gays, at marami pang iba.
Sigurado ako, riot ito, kasi lahat kami rito ay multong bakla… este, kaluluwa, maliban kay Rodjun. Sobrang nakaaaliw, nakababaliw at higit sa lahat, nakatatawa ang pelikulang ito na matatawag na tunay na SISTERAKA. Kasi lahat kami rito, mga baklush. Directed by Neil Buboy Tan, produce ng Krix Films ni Riqui Cardenia. Regular showing na po ito the following day, Feb. 6 sa SM cinemas at Ayala Mall cinemas. I Luv U, Pare Ko, see you all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding