KASALUKUYANG “PINAPLANTSA” na ang kauna-unahang indie film ng Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos.
Yes, ngayong 2013 ay ready nang sumabak sa indie scene ang Batangas Governor, dahil matagal-tagal na rin siyang nakakakuha ng offer from different filmmakers, pero hindi natutuloy for different reasons.
Nasulat na a few months ago na si Direk Jeffrey Jeturian ang kanyang magiging direktor, and hindi naman ito itinanggi ni Direk Jeffrey nang i-text namin siya a couple of months ago.
Although alam na namin ang popular indie film festival na sasalihan ng bagong pelikulang ito ni Direk Jeffrey with Vilma, ay minabuti naming ‘wag na lang munang i-mention kung ano’ng filmfest, dahil wala pa nga ang official announcement.
Pero ang totoo niyan, ayon sa aming source, tila nakaka-dalawang meetings na (or more) ang kampo ni Ate Vi and Direk Jeffrey upang i-discuss ang proyekto na ikina-e-excite ng mga “insider” sa indie film community.
Nasulat naman noon na na-offer din ang Isda ni Direk Adolf Alix kay Ate Vi (for Cinemalaya 2011), maging ang Mater Dolorosa ng same director (for Cinema One Originals 2012), pero sadyang ‘di pa nga siguro nakatakdang mag-indie film si Vilma.
This time, though, nasa time management na lang siguro kung papaano isu-swak ni Ate Vi ang kanyang isked sa pulitika at sa pagharap sa bagong hamon ng kanyang pagka-aktres: ang gumawa ng isang makabuluhang indie film.
Say pa rin ng aming source, ang role ni Vilma in the new movie ay isang “dakilang ekstra” ng indie films din sa ‘Pinas.
Nakakatuwa ang balitang ito dahil after “mamayagpag” sa indie scene ang kumare ni Vilma na si Ms. Nora Aunor sa pagwawaging Best Actress sa MMFF 2012 for Thy Womb ni Brillante Mendoza, it’s time for Ate Vi naman to “shine” sa indie world, this time, under Direk Jeffrey na isa ring award-winning director.
As we always say, nasa materyal din siguro ‘yan kaya napapayag si Vilma to go indie. Ang sumulat ng script ay si Zig Dulay.
Ngayong second week of January, ayon pa rin sa aming source, ay ipa-finalize na ang line-up ng mga direktor at pelikula ng nasabing filmfest.
TALKING ABOUT the indie film festivals pa rin, hindi lamang isa, kundi dalawa ang bagong filmfest na aabangan ng lahat ngayong 2013.
Una na ang 1st Quezon City Film Festival 2013 ng QC government under Mayor Herbert Bautista and Vice Mayor Joy Belmonte. Nauna nang piliin at i-announce late last year ang tatlong official entries.
Ang mga ito ay ang: Gaydar ni Alvin Yapan, Hello World ni Joel Ferrer, at Lukas Niño ni John Torres. Ngayong March naman ang isked ng showing ng mga ito sa lahat ng mga sinehan sa QC.
Kung hindi kami nagkakamali, isa rin si Aiko Melendez sa authors ng panukalang itatag ang “QC Filmfest” noong ito’y konsehala pa lamang, and if tama ang aming info, sana nama’y kahit na wala na sa public office si Aiko ay ma-credit din siya on this.
Ang ikalawang bagong indie filmfest na “ipapanganak” this year ay ang 1st CineFilipino Film Festival 2013, mula naman sa collaboration ng Unitel, Studio 5 (film outfit of TV5), Media Quest, and PLDT-Smart.
May 1.5 million pesos film grant sa bawat walong official entries na makukuha. Mula sa 146 scripts submitted, nag-trim down na ang committee into 30 na short-listed.
From this short list, napili na ang Top 16, and ngayong weekend na ang final interviews ng mga ito, and sa January 10 ang official announcement ng mga pasok sa Top 8 official finalists.
Bongga ang cinemas na papalabasan ng CineFilipino: Gateway/Alimall group, Resorts World, and Eastwood cinemas.
Naka-isked itong ipalabas from June 26-July 2, mga 1-2 weeks lamang ang pagitan between the annual July showing naman ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival (now on its 9th year), kaya magdiriwang ang indie fanatics!
For feedback, please e-mail us at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro