SALUDO kami kay Congresswoman Vilma Santos-Recto sa naging desisyon niya sa nangyaring botohan sa Lower House tungkol sa pagpapasa ng batas para maibalik ang death penalty sa Pilipinas.
Sa kabila ng tangkang “pamba-blackmail” ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kung sino ang hindi boboto nang sang-ayon sa death penalty bill ay aalisin sa kasalukuyan nilang komite sa Kongreso.
Si Ate Vi, bumoto ng “no to death penalty” na siyang pinaniniwalaan niya.
Sa radio interview last Wednesday evening sa DZMM show na “Mismo”, natanong siya nina Ogie Diaz (nag-subtitute for Jobert Sucaldito) at Ahwel Paz. Sinabi ng aktres na ngayon ay isa sa mga kongresista ng Batangas na she voted no to death penalty based sa consultation na isinagawa niya sa kanyang constituents at sa sarili na rin niyang paniniwala.
Bago dumating ang botohan, ilang pag-aaral din ang ginawa niya.
Sabi ni Ate Vi, “Aminado ako na I need to learn and study. I also consulted my husband (Senator Ralph Recto) about the death penalty issue,” sabi niya sa radio interview.
Nasa balita rin si Ate Vi sa pagkahirang niya sa Execom ng 2017 Metro Manila Film Festival, kasama sina Senator Grace Poe, Movie and Television Review and Classification Board Chairperson Rachel Arenas, Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño, at marami pang iba.
Balik-showbiz? Keri naman at puwede naman siyang maglaan ng oras.
“Basta maganda ang script,” sabi ni Ate Vi.