Vilma Santos, ibinibigay sa tao ang para sa tao

Vilma Santos, ibinibigay sa tao ang para sa taoIsang malayong kamag-anak si Tato Palomares na naka-base na ngayon sa Lipa City, Batangas. Sa madalas nilang pagluwas mag-asawa sa Pasay, baon ni Tato ang mga kuwento tungkol sa sobrang iginanda at iniunlad ng Lipa sa panunungkulan ng noo’y mayor na si Vilma Santos-Recto.

At kahit na raw maluklok si Ate Vi bilang Gobernadora ng lalawigan, ani Tato, “Never niyang pinabayaan ang Lipa. Ang dating mga kalsada paakyat ng bundok na noo’y hindi nadaraanan ng mga sasakyan, patag na ngayon.”

Tato couldn’t help but compare Ate Vi sa nagnanais ding maging mayor ng Lipa sa darating na eleksiyon, “Malayung-malayo! Eh, si Vilma nga, kelan lang, nagpamahagi sa lahat ng mga Lipeño ng tiglilimang kilo ng bigas, at magandang bigas ‘yon, ha? Hindi katulad ng ibang pulitiko sa amin, dadalawang kilo na nga lang ang pinamimigay, kahit ‘yung aso ko, ayaw kainin nu’ng isaing ko!”

Isang linya ang laging namumutawi mula sa bibig ni Ate Vi bilang public servant, “Ang para sa tao, ibigay sa tao!” Without dropping names, sapul ang mga magnanakaw sa gobyerno!

UPHEAVALS.  

Ito ang bukas-na-aklat at walang halong eklat na pinagdaanan ng TV5 sa huling third quarter ng 2015: shows—one after the other—got cancelled. Its Entertainment TV division lost its purpose of existence, thus too many heads rolled resulting in massive workforce displacement.

But TV5—for all its share of nightmarish turn of events—has remained steadfast. Naniniwala ito na muling maibabalik ng istasyon ang kanilang sigla, and with renewed faith and confidence came a major force that would redefine local programming.

Thanks to Viva TV—the juggernaut—ang kompanya ni Boss Vic del Rosario, that has transfused a reinvigorating serum into the network’s bloodstream kaya heto’t isa nang “new and improved” TV5 ang nagbabantang humakbang by leaps and bounds.

Simula bukas ay babaguhin ng TV5 at Viva TV ang mukha ng primetime block tuwing gabi ng Sabado:  more than just a cosmetic makeover maliban sa pinapangit na itsura ni “Tasya Fantasya” (8-9 pm). Both major forces in the TV industry will soon give birth to the next singing sensation via Born To Be a Star (7-8 pm).

Pagdating naman ng alas nuwebe hanggang alas diyes ng gabi, be one of the characters of the romantic episode ng bawat libro ng “Wattpad Presents”, ang dating daily kiligserye is now a kiligmovie made for TV. As a nightcap, get a load of the top 20 OPM Hits na ihahatid ni VJ Aryanna sa “Top 20 Pilipinas”.

Meanwhile, due to insistent public demand ay nakiusap ang TV5 sa FirstIdea Company to produce new episodes of “#ParangNormalActivity”.  Kaya naman sa mga tagasubaybay nito, they can catch the first of these episodes sa darating na Linggo, alas-otso ng gabi.

TALK ABOUT ratings consistency.

Ito kasi ang patuloy na ine-enjoy ng isa sa mga top performing programs ng GMA—ang Ismol Family that airs every Sunday—sa NUTAM surveys sa buong buwan ng January in Urban Luzon, Mega Manila, at Metro Manila.

Consistently next to 24 Oras, nasa Top 10 ang kinagigiliwang family-oriented, Pinoy values-rich sitcom na ito.

Sa Ismol Family kasi ipiniprisinta ang mga karaniwang isyu ng mag-asawa lalo’t nakapisan sila sa magulang ng isa sa mga ito. In a typical Pinoy couple who’s surrounded by their in-laws, masuwerte na nga kung kasundo nila ang mga ito who always get in the way of the couple’s personal decisions.

Sa kabila ng panghihimasok ng mga biyenan sa buhay ng mag-asawa, Ismol Family strives to elicit mutual respect towards one’s individuality. Ang ending: walang conflict that threatens to destroy a family ang hindi nareresolba.

Sa darating na Sunday, asahang muling sasabog ang riot at katatawanan in yet another must-watch episode ng sitcom na ito.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous article‘Di matapus-tapos na paniningil!
Next articleFebruary is Solenn Heussaff month!

No posts to display