LET IT ‘VI’: Noong magbigay ng Mass sa wake ni Tito DOugs (Quijano) ang PAMI (Professional Artist Managers, Inc.), nakatabi ko sa upuan ang Star for All Seasons at Governor ng Batangas na si Ate Vi (Vilma Santos).
Kung anik-anik ang mga pinagkuwentuhan namin – ang pelikula niya with son Luis (Manzano) and John Lloyd Cruz na kinunan sa New York, USA. Marami pa raw silang natitirang scenes na dito na tatapusin sa Maynia. At aliw siya sa role niya bilang isang librarian na mula sa pagka-Manang na ina eh, magkakaroon ng transformation. Enjoy raw siya, kasi comedy ang ginagawa niya.
‘Yung insidente raw sa New York na hindi nga ba sila nagkapansinan ng beteranong manunulat at manager na si Alfie Lorenzo, ano talaga ang nangyari?
“Bilang respeto na lang kay Tito Alfie, ayoko nang pag-usapan ‘yun. Ayoko nang magkaroon pa ng isyu. Alam mo naman, when we work sa ibang bansa, talagang sunud-sunod ang trabaho, ‘di ba? Miscommunication lang.”
Kinumusta ko rin si Ate Vi kung nagkaroon sila ng chance ng kumare niyang Superstar (Nora Aunor) na magkita sa US. At ‘yung reaksyon naman niya sa naging parunggitan diumano ng kanyang Vilmanians at Noranians in a recent awards night na dinaluhan niya.
“Hindi kami nagkaroon ng chance ng Kumare ko na magkita. Sabi ko nga sa ‘yo, sunud-sunod ang shoot namin. When I had the chance na lang, nu’ng matapos na ang trabaho at nagpaiwan ako sandali para dalawin ko ang kapatid ko in L.A. Hindi nga nila alam na darating ako. At doon lang ako nagpahinga ng ilang days. Doon ko binawi ‘yung walang pahinga naming shoot in New York.
“Ang alam ko, ‘yung mga ganyang bagay, hindi ko na kailangang bigyang-pansin na papatulan pa. Ang tagal ko na sa industriyang ito. Nag-mature na tayo sa maraming bagay. At ang alam ko, hindi na ganyan ang mentalidad ng mga tagahanga namin ng Kumare ko. Especially ‘yung mga nakasabay na naming nag-grow sa industriyang ito. Kahit ‘yung intrigang ginagawa ng iba sa pagbasa ni Angel (Locsin) ng ilang salita from Himala, hindi kailangang maging isyu. Alam ‘yun ni Luis. At hindi ko ‘yun ite-take against kay Angel. Isa na rin siyang aktres.”
Inilipat ng upuan ni Mother Lily (Monteverde) si Ate Vi kaya naputol ang tsikahan namin. Hindi nga raw siya magtatagal at pagkatapos ng Misa eh, uuwi siya agad dahil may sakit ang anak na si Luis.
JOMA(RI’S) SEASON: “HINDI ko nga alam na nai-deal na pala ako ng pelikula ni Dougs bago siya namaalam sa mundo. Kaya nu’ng Tuesday, nag-shoot na ako for APT’s project with Ogie Alcasid and Michael V., and magkasama nga kami ni Aiko (Melendez). Tinawagan na lang ako ni Malu (Choa-Fagar) na may shooting na pala ako. I’m still in daze. Masaya naman ‘yung first shooting day namin,” ang kuwento naman sa akin ni Jom nang magkasama kami para sa Pasiyam na misa ni Mother Lily for Tito Dougs sa Imperial Palace noong Linggo ng gabi.
What about Fearless Productions’ next project?
“May mga kinakausap na ang partner kong si Ronald (Singson). Foreign act uli. Pero sabi nitong mga kasama natin, bakit daw hindi ko i-produce ng concert sina Pops (Fernandez) at Ara (Mina) with the special participation of Aiko. Teka, isipin ko muna ‘yun. Baka masyadong malaki ang budget, hindi ko ma-afford. Haha!”
Bago pa man sumapit ang Father’s Day, nag-bonding na si Jom at ang anak na si Andrei sa Hong Kong, bago rin ito sumabak sa school.
Nairaos na ba ang meeting nilang mga alaga ni Tito Dougs?
“Mag-uusap-usap pa lang kami. Kasi, ayaw naming maghiwa-hwalay. What we are concerned about eh, ‘yung mga sumunod sa amin.”
Naikuwento rin ni Jom na kabilang siya sa mga humingi ng abo ni Tito Dougs na inilagay sa isang maliit na urn for him and the Yllana family.
“Ang kuwento nga sa amin du’n sa Crematorium, sa part ng bone ni Dougs sa tuhod niya, merong hindi nasunog. Kulay green daw ito. Sabi sa mga Chinese, lucky ang color na green, and it has something to do raw with kindness and compassion. Itatanong ko nga kay Mother (Lily) ‘yun, eh.”
At nagkatawanan kaming magkakaharap dahil nga may naalala na naman kami about Tito Dougs. At iisa ang sinabi namin. Berde? Baka dugo. O, baka green-minded. Mga private jokes na kung nandu’n si Tito Dougs, siguradong siya rin ang magsasabi nu’n!
The Pillar
by Pilar Mateo