OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth!
OMG! Nag-trending talaga sa message board ko sa DZRH.TV noong Linggo ng hapon sa programa ko, kasi for the first time, naka-one-on-one ko ang nag-iisang Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto. Matagal din ang palitan namin ng mga tanong, at kaloka, pinangaralan pa ako. At salamat naman at naintindihan ako.
Sa tagal kasi ng panahon, sa wakas, naging Vilmanian na rina ko. Napakarami kasing nanlilibak sa akin, na balim-bing daw ako, kumukuha lang daw ako ng atensiyon, at kung anu-ano pang mga paratang. Sabi ko, sige, lulunukin ko lahat ng mga ‘yan. Okay lang sa akin kung anuman ang sabihin nila.
Pero natutuwa naman ako sa mga Vilmanian, lalo na kay Willie Fernandez. Siya lahat ang nag-effort nito para maisakatuparan ang interview. Sa mga Vilmanian na napakalawak ng pang-unawa, kina Doc Ron, Rene at Noel, to name a few, salamat po.
Kay Gov. Vilma na walang masamang tinapay sa kanya, lahat ay pantay-pantay, sabi nga niya sa akin, kalimutan na natin ang nakaraan, dahil tayo ay matured na at nagkakaedad na. Ang dapat, kasiyahan na lang lagi para tumagal pa ang buhay natin. Siguro kung live ang aming pag-uusap, hindi ako papayag na hindi ko siya mayakap nang mahigpit sa pagtanggap niya sa akin nang buong-buo.
At sa September 8 nga, may mala-king event silang gagawin sa Batangas sa birthday ni Mama Mary, at imbitado kami nina Morly Alinio.
Ang naramdaman ko talaga sa kanya, siya ang taong walang inhibition sa katawan. Kaya lalong tumatatag ang samahan ng mga Vilmanian, kasi marunong makisama si Vilma sa kanyang mga tagahanga, at pantay-pantay ang tingin niya sa lahat. ‘Yan ang isang bagay na hindi mapapantayan ng sinuman sa mga artistang nakasabayan niya.
Sabi ko nga sa sarili ko, siya ang babaeng pinagpala sa lahat, at pinagpala ni Hesus, kasi napakabusilak ng kanyang puso. Parang Mama Mary.
Napag-usapan din namin ang tungkol sa pulitika, dahil maraming kumakaray na siya ay tumakbo sa mas mataas na posisyon. Walang kagatul-gatol na sinabi ni Vilma na hindi, kasi hindi niya puwedeng iwanan ang kanyang constituent at nagmamahal sa kanya sa Batangas. At marami pa siyang proyektong dapat tapusin.
Sabi ko nga kaya katotong Morly, para akong nabunutan ng tinik. Kasi, akala ko, hindi ako welcome sa kanya. Noon pa man, kilala na niya ako. At natatandaan niya ang kuwento ko sa kanya na noong nagdadalaga pa lang siya at una niyang ka-loveteam si Jay Ilagan. Lagi kaming dumadalaw sa kanya. Minsan, hindi namin sila naabutan at nasa UP sila kasama ang dating Vilmanian na si Alfie Lorenzo, at ako ang alalay ni Jay. Nagulat siya nu’ng sinabi kong ‘ako ‘yun, si Boy’, na tawag niya sa akin.
Kahit alam niya noon pa man na may hinahangaan akong iba, hindi siya nagkait na iwasan ako. Hindi tulad ng iba na ‘pag hindi ka niya fans, etsa-puwera ka sa kanilang kuwadra. Si Vilma, hindi. Mahal pa rin niya ang hindi nagmamahal sa kanya, kasi balang-araw, mamahalin din siya.
Tulad ng nangyari sa akin, at ipina-ngako ko sa mga Vilmanian na for the rest of my life, itutuon ko ang suporta kay Vilma bilang ganti. Siguro naman, hindi pa huli ang lahat. Na sabi nga ni Vilma, dapat i-enjoy na natin ang nalalabi pa nating sandali.
Napakasarap niyang kausap with humor ang sense, hindi tulad ng iba na puro lang ‘po’ at ‘opo’ ang maririnig mo. At nakakaloka pa, natupad na rin ang pangarap ko na talaga namang naging Vilmanian na ako. Lima ang anak ko, lahat sila Vilmanians. Kaya ang masasabi ko lang, happy together! Kaloka! ‘Yun na!
PITIK-BULAG: Sino siya? Siya kaya itong matandang aktres na talagang until now naman ay sexy pa rin at makikita mo palagi sa Senate para manghingi ng tulong?
Ang nakakaloka rito, nu’ng magbigay ng relief goods ang mga kasamahan niya sa showbiz, ninenenok daw nito ‘pag nagustuhan niya ang isang bagay o laps.
Nawindang naman ako rito. Totoo bang purita na talaga ang aktres na itey?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding