SA BAGONG achievement ni Nora Aunor bilang National Artist for Film ay hindi maiwasang marami sa mga tagasuporta ni Vilma Santos ang pawang nalungkot. Hindi kasi namapasama ang aktres sa listahan ng mga idineklarang National Artist ngayong taon.
Kasama ni Nora sa listahan ng mga bagong National artist na inanunsiyo noong June 10 ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) siina Ricky Lee (Film)), Agnes Locsin (Dance), Gémino Abad (Literature), Fides Cuyugan-Asensio (Music), Tony Mabesa (Theater), Salvacion Lim-Higgins (Fashion), at Marilou Diaz-Abaya (Film).
Sa group chat ng mga Vilmanians ay nagpadalla ng mesahe si Ate Vi sa kanyang mga tagasporta.
Aniya, “Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way.”
Naniniwala din ang award-winning aktres na ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang panahon.
“And yes, there is always a time for everything,” sabi pa niya.
Pinasalamatan din ng Star for All Seasons ang kanyang mga supporters sa walang sawang pagsuporta ng mga ito sa kanyang career mula pa noong nagsisimula siya sa showbiz hanggang sa ngayon.
“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat,” sambit pa ni Vilma.
Idinagdag din niya na dapat ay bigyan ng pagpupugay ang mga bagong national artists ng bansa dahil deserving ang lahat ng mga ito sa parangal.
“Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them. Mabuhay kayo mga Vilmanians!” deklara ni Ate Vi.
Samantala, bagamat naging magkaribal sa showbiz simula 1970 hanggang 1990 ay nanatiling magkaibigan ang dalawang aktres na nagkasama sa mga Filipino classic films na
Ikaw Ay Akin na idinirek ni Ishmael Bernal at T-Bird at Ako ni Danny Zialcita.