OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Ola chikka! Don’t make your Monday a blue Monday, kaya start na naman tayo ng mga pasabog. Bago’t mainit-init pang tsika to the maximum authority of tsika with your Tita Swarding na sabi nga ng mga ng PM sa akin sa fb, aliw na aliw raw silang magbasa ng column ko rito sa Pinoy Parazzi, at ito raw ang una nilang binabasa kasi kakaiba, walang takot magpuna sa mga kilala’t mga sikat na artista kahit sino ka pa.
Well, iyon lang po ang masasabi ko sa kanila. Hindi naman sa hindi ako takot sa kanila kundi ang sa akin ay constructive criticism at hindi destructive, at sana makarating mismo sa mga artistang involve para malaman nila ang mali nilang attitude, ‘ika nga. Para kung tama ako, baguhin nila, kung hindi, handa naman akong humarap kahit kanino, dahil hindi na dapat pang punahin ang tama,
Okey sa alright, umpisahan na natin ang tsika. Ilang tulog na lang, birthday na ng nag-iisang national treasure ng showbiz, maging sa pulitika, na malapit na ring maging National Artist. Kasi nu’ng nakaraang araw, katatanggap lang niya ng award sa Malacañang. Siya lang ang tanging artista na tumanggap ng ganoong karangalan, ang Lingkod Bayan award na mismong ang ating pangulo ang nagbigay ng nasabing karangalan.
At balita ko, sa 300 na pinagpi-lian, na-trim down sa 8 at sa dalawa na lang, kung saan ang naglaban ay itong si Mayor Hagedorn ng Palawan. Mapalad na si Gov. Vilma Santos-Recto, ang tanging ginawaran ng naturang award. Pagkatapos niyang ma-master ang showbiz, unti-unting nama-master na rin niya ang politics, na kahit hindi lehitimong taga-Batangas (her parens hail from Nueva Ecija), Rosa Vilma Santos married to the scion of the Recto clan, Sen. Ralph Recto, whom she calls her ‘guide’ and political adviser, and has become both the sublime face and the cheerleader of Batangas, rigth down the smacking Batangueño accent.
Ang nakakawindang na pasabog, kung papalarin daw ngayon si Gov. Vilma Santos, sa darating na 2016 ay sasambulat ang bagong team sa pagka-presidente at bise-presidente na aywan ko kung kayo ay maniniwala sa natuklasan kong tsika na may binubuo nang line-up, kahit malayo pa ang 2016 presidential election. Ito ang tambalang Chiz Escudero for president ang Vilma Santos Recto for vice-president. Oh, ‘di ba, pasabog?! Katunayan, dumalaw yata itong si Sen. Chiz sa Batangas at isa ito sa mga napag-usapan.
Ang tanong ng bayan at ng Vilmanians, may chemistry ba ang kanilang tandem? Pag nagkataon kasi, para sa akin, parehas silang walang du-ngis ang paglilingkod sa ating bansa, maganda ang kanilang track records, ‘ika nga, malinis walang duda na magiging maganda ang team “CHIZ at VI”. ‘Pag nagkataon, baka ito ang mag-ahon sa kasalukuyang paghihirap ng ating bansa.
What you think? kayo ang humusga madlang pipol. And abangan sa column ko ang pagbati ng Vilmanians around the world sa kanyang nalalapit na kaarawan sa Nov. 3, parehas kaming Scorpio, kasi ako Nov. 22. Nagpapasaring daw, oh!
Kaya sa Vilmanians abanggan n’yo ang inyong pagbati, dito lang ‘yan sa aking column sa Pinoy Parazzi at sana raw sa dara-ting na Friday ay cover si Vilma sa Pinoy Parazzi, ‘yun na!
KATATAPOS LANG last saturday night ng Artista Academy. Simula’t sapul pa lang, at nang tumagal-tagal na ang Artista Academy, hinulaan ko na, na si Vin Abrenica, kapatid ni Aljur Abrenica, at si Sophie Albert, pamangkin ni Kris Aquino, ang mananalo. Kasi talagang magaling sa lahat ng bagay – sumayaw, umarte at looks ng dalawa.
Akala ko nga, malulusutan ni Akihiro Blanco ang best actor nu’ng ma intriga ito sa direktor na may pinapaboran. Kaya kay Vin at Sophie, welcome to the world of showbiz! Hanggad ko ang inyong tagum-pay.
Kung sakali, ito ang magiging gold mine ng TV5. Say mo!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding