Vilma Santos, wala pa ring political agenda

Vilma-SantosWHILE THE whiff of political is all over, Batangas Governor Vilma Santos-Recto remains consistent—and genuinely sincere—with her stand: she has no political agenda yet.

Tulad ng alam ng lahat, last term na ni Ate Vi bilang Inang Bayan ng buong lalawigan. And because she’s near the finish line ay marami ang nanliligaw sa kanya to aspire for a national post: Vice President.

But consistent that the actress-politician has always been, kung “fate” o tadhana ang magdadala sa kanya sa puwestong ‘yon ay bahala na—but one thing’s for sure—tiyak na magagampanan niya nang buong husay ang iaatang na responsibilidad sa kanya.

Sa kanyang political career, Ate Vi will have spent nearly 18 years in 2016: siyam na taon or equivalent to three mayoral terms sa Lipa City, Batangas; and another nine years sa babakantehin niyang puwesto.

Proudly, Ate Vi’s track record will speak for itself. Patunay ‘yon ng mga karangalang iginawad sa kanya.

Sa ngayon, many are speculating na ang susunod na target ng Star for All Seasons ay House of Representatives, yet another local post that still addresses the major concerns of her constituency.

Kung sakali, legislative ang nature ng magiging focus ni Ate Vi. A piece of cake, ‘ika nga, lalo’t galing siya sa dalawang sensitibong local positions.

Will Ate Vi finally gun for a Congressional seat sa pagkakataong ito, setting aside public clamor para sungkitin ang VP post?

Still vivid in our memory ang nakatutuwang kuwentong ibinahagi niya at an event years ago bago pa man siya nag-file noon ng kanyang CoC (certificate of candidacy) sa pagka-alkalde sa Lipa.

Ate Vi silently asked for a sign sa kanyang paggising one morning. Ang hiniling na palatandaan ng noo’y hindi pa public servant ay bumungad sa kanya ang isang bungkos na puting rosas sa altar ng kanilang tahanan.

Voila, nang gumising si Ate Vi ay bumulaga nga sa kanya ang kaniyang prayer request, takang-taka pa kung sino ang naglagak ng mga puting rosas na ‘yon sa plorera gayong she never told anyone about the sign she earnestly asked for.

Ano naman kaya ang hihilinging senyales ni Ate Vi kung alin sa pagka-VP o Congresswoman ang nakaguhit sa kanyang palad?

Anu’t anuman, Ate Vi will for sure shine sa alinmang puwestong pipiliin niya!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleTeejay Marquez, todo-tanggi sa kumakalat na nude photo sa social media
Next articleRichard Gomez, muling dinala si Lucy Torres, kasama ang anak na si Julianna Gomez, sa lugar ng kanilang honeymoon sa Switzerland

No posts to display