OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka. Don’t make your Monday a blue Monday. Maloloka kayo sa Earth sa mga pasabog na chikka ko, mawiwindang talaga kayo mga ‘te… over my beautiful body.
Kasi nga naman, Linggo ng umaga, ang aga kong magising para gumawa ng column ko rito sa Pinoy Parazzi, kung saan exclusive lang ako rito at ayaw ko nang magsulat sa iba pa, para rito lang nila nababasa ang mga pasabog ko na hatid sa akin minsan ng parazzi girl.
Nakakatuwa kasi, nag-post ako na makinig sa akin sa DZRH.TV. sa program ko, kasi nga si Gov. Vilma Santos-Recto ang aking magiging special guest. Napakarami kong natanggap na mga negative at positive comments, na nanggaling sa magkabilang kampo.
Kasi nga naman, more than half of my life ay humanga ako sa isang artistang walang urbanidad. Hindi ko na dapat pang banggitin kung sino siya, at halos lahat ng nakakikilala sa akin ay hindi makapaniwala sa desisyon ko. Kasi nga naman, kilala nila ako na pinaglalaban ko dati ng patayan ang hinahangaan ko.
Pero ihinalintulad ko na lang ang nalalabi kong buhay sa awit na Diyos Lamang Ang Nakaaalam. Kasi sa isang stanza roon na “ang buhay parang isang awit lamang, mayroong simula at may katapusan ang araw at gabi” something to that effect. Kaya decided na talaga ako, ano man ang sabihin nila. Tao lang po ako na may puso at nasasaktan. Hindi ko na matiis ang paghamak nila sa akin, pati sa aking pamilya.
Noon pa man, sa mga hindi nakaaalam, bago siya magtungo sa Ame-rica, nagkaroon na kami ng hindi pagkakaunawaan nitong hinangaan ko. Ang akala ko, wala na. Kasi nu’ng nagpromote ng record ang kaibigan niya kuno na si Jonh Rendez, nag-promote pa sa akin at may inutusan siya na inunawa ko naman.
Ang napakasakit na hindi alam ng kanyang mga tanga-hanga, na dati, ako ang adviser ng kanyang mga fans club. Isang araw, pinatawag ako sa bahay niya sa Balete Drive, pagdating ko roon, may meeting ang mga fans na hindi ko alam at marami akong nadatnang mga kasamahan ko sa hanapbuhay sa sala na parang na-bigla ang lahat.
Sana mabasa nila ito at malaman ko kung ano ang mga pinag-usapan nila. Kasi ang hindi ko makalimutan ay sina Mario Garcia at Frank Mallo na parehas RIP na. Pinapasok ako sa kanyang music room at sabay tanong kung ano na naman ang pinagsasabi ko sa aking program sa DZRH. Hindi na ako nakapangatuwiran at binato ako ng drum stick. Mabuti nakailag ako, sabay labas dire-diretso at iniwan akong nakatanga. Lahat ng mga writer na nandoon, sana mabasa ito ng artistang ‘yan para malaman ko ang pinagpuputok ng butse niya.
Nasasabi ko ito, kasi karamihan ng mga fans niya, sukdulan ang galit sa akin na kung kailan daw ako tumanda, saka ako nagkaganito.
Ito lang po ang masasabi ko, kasi gusto kong tumanda na may pinagkatandaan. At iyan ang nararamdaman ko ngayon sa mga Vilmanians na sila pa ang nagbigay-daan na ma-interview ko si Vilma.
Pero hindi nila alam na pangalawang interview ko na ito kay Gov. Vilma. Una, nu’ng may Vilma pa siya at pinuntahan ko siya sa Broadway Centrum, kung saan nagre-rehersal siya at pinagbigyan niya ako para ma-interview para sa Star Satellite ng mga Artista sa DZRH.
Ito nga ang bunggad niya sa akin, “Swarding, sana naman purihin mo ako paminsan-minsan, ‘wag lang ang kumare ko”. Doon ko nakita na si Vilma ay walang envy sa katawan kaya hindi ako manghihinayang na ang nalalabi kong buhay ay ituon ko sa taong may dangal at respetado ng sambayanang Pilipino.
Siguro naman, sapat na ito para maniwala sila. Tao lang po! Sa mga fans na sobra ang paghamak sa akin, magrespetuhan na lang tayo. Alam n’yo kung sino kayo. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding