OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth!
Maraming salamat sa lahat ng Vilmanians na tumanggap sa akin nang buong-buo at walang pag-aalinlangan na isa akong spy. ‘Di tulad ng mga Noranians na tumanda na ako, saka pa nila ako pinagbintangang bayaran at spy ni Vilma Santos sa kanilang site na Now, na tatlo lang yata ang kilala ko, at karamihan sa kanilang mga miyembro, puro salita wala namang gawa.
Hindi nga katulad ng Vilmanians na systematic at marami silang proyektong pinagkakaabalahan. Balita ko nga, talagang milyon na ang kanilang pondo. Samantalang itong Now, nagbigay raw ng paunang P100k ang Nora Aunor. Pero take note, hindi raw galing sa kanya ang pera kundi sa TV5 para makabuo ng Now.
Kaya ayun, kahit hindi Noranian, sumali na at nagbabaka-sakali na magkapera. At halos lahat sa kanila, bayaran na. Hindi tulad noon na maayos ang pamamalakad at may patutunguhan. Ngayon, tulad na rin sila ng kanilang idolo na nangangapa sa dilim kung makababalik pa sa kanyang trono. Fallen star na nga ang tinaguriang superstar.
Bakit? Ikaw ba namang superstar, mani-nikluhod ka at ikaw pa mismo ang pupunta sa dressing room ng isang kinamumuhiang personalidad sa showbiz. Nasaan na lang superstar image niya?
Hindi katulad ni Vilma na walang kaaway sa mga tulad naming nasa tri-media. Kung meron man, hindi niya kasalanan at mga bintang lang na walang katotohanan.
Dati pa, kahit Noranian ako noon, isa sa nagustuhan ko kay Vilma bilang de-kalibreng aktres ang galing niya sa pag-iyak. Hindi siya trying hard at siya lang ang kahit umiiyak, maganda pa rin ang mukha.
Una sa pasasalamatan ko ay si Willie Fernandez na medyo nag-aalangan pa siya sa pagsapi ko sa kanila. Kasi siya lang ang lagi kong sinasagot dati, at sa mga PM ko sa kanya para ipagtanggol dati si Nora.
Kina Gianna Cordova, Henry Llaneza, Freddy Lazaro, Ronualdo Gabaldon, Katmon Silverio, Hermie Legaspi, Robinson Pedro, Ramon Garcia, Melvi Rivera, at sa lahat ng bumubuo ng Vilma Santos for National Artist Movement… salamat sa inyong lahat. At least, nararamdaman ko na mas at home ako sa kanila ngayon at walang alinlangan.
Sabi ko nga sa kanila, ilalaan ko na lang ang the rest of my life ko sa kanila sa pagsuporta. Kasi, karapat-dapat silang suportahan dahil ang kanilang fans club ay may patutunguhan, at sabi ko nga systematic. Naniniwala ako sa kasabihang huli man daw at magaling, naihahabol pa rin. Kaya sa Vilmanians, salamat!
Sabi nga ni Gianna Cordova, ‘We have to keep moving on, Tita Swar-ding… no matter how many times the skies have fallen, ganyan lang ang buhay. With God in our midst, lagi niya tayong binibigyan ng lakas ng loob para mapaglabanan ang negative forces. ‘Ika nga, when your concience is clear, you should fear nothing. God is always good all the time.”
Again, salamat! Ilang araw pa lang, naka- move on na ako, kasi hindi pa man tayo nagkikita-kita, nararamdaman ko na ang pagpapahalaga n’yo sa akin. Looking forward to see you all with Gov. Vilma Santos-Recto. Salamat!
PITIK-BULAG: Sino siya? Sino itong basketball player na ito na bongga, ‘te, na iba ang lahi, dahil umuwi rito sa ‘Pinas para bumuking? At take note, tinanggihan ang isang model na iba rin ang lahi!
Nakakaloka naman talaga sa Earth, dahil ang pinili niya ay hindi isa, kundi dalawa. At take note, mag-sister ang bet niya.
Naku ha? Ilan lang ang mag-sister sa showbiz. Nakakawindang, tig-P3 million ang dalawa!
Kaya lang, ‘te, after naman ng eksena nila ay naospital daw ang dalawa. Naku, nakakaloka! Dakota raw, kaya sila naospital, hindi kinaya… hahahaha!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding