SOBRANG BONGGA ang kakatapos na Artista Academy Awards Night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last Oct. 27, 2012 kung saan nanalong Best Actor at Best Actress sina Vin Abrenica at Sophie Albert at nakapag-uwi ng tumataginting na tig-P10 million worth of prizes, condo unit at car, at parehong tinanghal na Ambassador of Close Up.
Bongga ang naging presentation ng kabuuan ng awards night at kitang-kitang pinaghandaan at pinagtrabahuhan talaga ng 6 finalists na binubuo nina Vin, Sophie, Akihiro Blanco, Chanel Morales, Mark Neumann at Shaira Mae ang kani-kaniyang production numbers.
Napaluha rin ng mga ito ang mga manonood sa kani-kaniyang short film na ginawa, kung saan ang mga dekalidad na director na sina Enrico Quizon at Bb. Joyce Bernal ang nag-direk. Hindi rin naman nagpatalbog ang tropang Kick Out na sina Benjo Leoncio, Brent Manzano, Chris Leonardo, Jon Orlando, Malak So Shdifat, Marvelous Alejo, Nicole Estrada at Stephanie Rowe na nagpakitang-gilas sa pagsayaw at pag-arte kasama sina Edgar Allan Guzman, Mr. Fu at Valeen Montenegro.
After AA, magbibida sina Vin at Sophie kasama sina Mark, Shaira Mae, Chanel, Akihiro, Mark at ang tropang Kick Out sa newest teen show ng TV5, ang FB (Forever Barkada) at sa ilang teleserye ng TV5.
NGAYONG LUNES na simulang mapapanood ang inaabangang The Amazing Race Philippines. Hatid ng TV5 Kapatid Network at siyang pumalit sa katatapos lang na Artista Academy, kung saan magtatagisan ng galing at talas ng isipan ang 11 contestants.
Kinabibilangan sila nina actress LJ and CJ na isang die-hard fan ng Ama¬zing Race, Dani Castano na former Bb. Pilipinas-World 2008, Mish Van Ruyven, former EB Babes member Saida, former Eat Bulaga floor director Jervi Lisab, Dayal and Fausto, Marc and Kat, Sheena and Gee, Cristel and Mykey, Armand at Anton at ang mag-ama na sina Ed at NBN 4 news anchor Angel. At ang nakaaaliw at inaabangang bored housewives ng Alabang na certified rich na sina Pam at Vanessa na sumali sa reality show ng TV5 dahil mga tagahanga sila ni Derek Ramsay.
AYAW NA sanang umabot pa ni Atty. Ferdinand Topcio sa demandahan ang gusot sa kanila ng mag-inang Carina at Bea Binene. Isang apology lang ang gusto nitong mangyari, pero nagmatigas nga ang mag-ina kaya naman no choice daw ito kung hindi tuluyan nang magsampa ng demanda sa dalawa at sa mga taong involve sa nasabing kontrobersiya.
Naghain si Atty. Topacio ng P5.7 milyon sa reklamong sibil na isinampa niya sa mag-inang Carina at Bea, Atty. Lynn Delfin ng Legal Affairs at Atty. Flordeliza Vargas, legal counsel ng mag-ina. Isinumite niya ang complaint niya noong Huwebes, sa Regional Trial Court ng Tanuan City, Batangas, kung saan laman nito ang kanyang sagot sa alegasyon ng mag-inang Carina at Bea na hindi nila ito abogado, pati na ang paghingi ng pera at pati pagtulong sa diumano’y pananakot sa kanila ni Papa Dan ng LS-FM.
Detalyado sa sulat nito ang istorya tungkol kina Bea at Papa Dan na nakasaad sa reklamo na nagsilbing mitsa upang sumabog ang hidwaan sa lawyer at mag-ina. Ginawa lang daw ito ni Atty. Topacio para protektahan ang pangalan niya na kanyang inalagaan nang maraming taon. Sa complaint, isa-isang binanggit ang kanyang achievements upang marating ang estado bilang nirerespeto at pinagpipitaganang abogado ng ilang prominenteng personalidad.
HAPPY ANG young Performer na si Mary Joyce Palado Pascua dahil isa siya sa binigyan ng parangal sa katatapos na Who’s Who in the Philippines 2012 bilang Most Promising Young Performer. Kasabay nitong nabigyan ng award sina President Benigno Aquino Jr., Mr. German Moreno, Hon. Imelda Romualdes Marcos, Hon. Manny Pacquiao, Ms. Korina Sanchez, Vice President Jojo Binay, Rev. Renato Carillo, Hon. Cynthia Villar, Jojo Alejar, Ms. Pilita Corales, Ms. Imelda Papin, Jake Vargas, Teejay Marquez, Jestoni Alarcon, UPGRADE, atbp.
Kuwento ni Joyce, iniaalay niya raw ang kanyang award sa kanyang ever supportive mom na si Mommy Jennifer at sa kanyang pinakmamahal na Lola Thess na isa sa kanyang inspirasyon sa kanyang bawat performance.
Sa ngayon, busy si Mary Joyce sa kanyang pag-aaral at sa nalalapit na shows, kung saan makakasama niya ang ilan sa maniningning na singers sa bansa. Wish daw ni Mary Joyce na makilala siya bilang mahusay na mang-aawit sa hinaharap.
John’s Point
by John Fontanilla