NAPAKASUWERTE RAW maituturing ng Artista Academy Male Grand Winner na si Vin Abrenica, dahil nakatarabho niyang muli ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na una niyang nakaeksena sa isang Drama Challenge sa Artista Academy.
Pero ngayon daw ay mas matagal na makakasama ni Vin si Ate Guy dahil ito ang gaganap na kanyang ina sa pinakamalaking soap ng TV5 ngayong taon, ang Never Say Goodbye.
“Ninenerbiyos po talaga ‘ko, nai-starstruck po ako hanggang ngayon. Naging comfortable lang po ako kasi, nanay-nanayan po talaga siya.”
“‘Yung mata po ni Ate Guy, pareho po ng mata ng nanay ko. So, kapag nakikita ko na mata ni Ate Guy na namumula, naiiyak, ‘yun po talaga, nadadala na rin ako.”
Nagbigay nga raw sa kanya ng advice si Ate Guy para mas tumagal sa industriya at ito raw ang magiging baon ni Vin sa kanyang paglalakbay sa mundo ng showbiz. Saludo nga raw siya sa sobrang kabaitan ni Ate Guy, dahil kahit nga raw sobrang sikat ng nag-iisang Superstar ay hindi nito ipararamdam sa kanyang mga katrabaho ang kanyang estado sa showbiz.
BONGGA ANG tradelaunch ng TV 5 na ginanap sa Resorts World kagabi, kung saan ipinakita ang mga bagong show ng Kapatid Network, ang Jeepney Jackpot! Pera o Para?, Never Say Goodbye, The Alabang Housewives at WowoWillie na mapapanood tuwing tanghali simula sa January 26.
Ang Jeepney Jackpot!, game show nina Mr. Fu at Valeen Montenegro, ang ipinalit ng TV5 sa timeslot ng afternoon show ni Sharon Cuneta. Sina Cesar Montano, Alice Dixson at Nora Aunor ang lead stars ng Never Say Goodbye, ang upcoming primetime drama series na magtatampok din sa loveteam ng Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.
Ang The Alabang Housewives ang reality show nina Pamela Spella at Vanessa Ishitani na nakilala nang sumali sila sa The Amazing Race Philippines.
Madaragdagan ang mga bagong programa ng Kapatid Network dahil nakalinya na ang Kanta Pilipinas, FB: Forever Barkada, Dancing Nation, Love in Temptation Island at ang Tweens Edition ng Artista Academy.
NGAYONG TAON ang masa-sabing brighter year for PMPC 2012 Best New Male TV Personality na si Arjo Atayde, dahil ngayong 1st quarter ng taon ipalalabas ang soap na pinagbibidahan nila ni Ejay Falcon, ang Dugong Buhay, na any day from now ay mapapanood na sa TV.
Ito raw ang maituturing ni Arjo na mala-king break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN after winning last year. Kaya naman daw mas focus at more than 100% ang ibinibigay nito para sa naturang show.
Super effort nga raw si Arjo sa pag-aaral ng kanyang role na bida/kontrabida na talaga namang challenging. With the guidance ng kanyang award-winning actress na mommy Sylvia Sanchez, paniguradong magagampanan ni Arjo nang buong husay ang role na ibinigay sa kanya sa Dugong Buhay.
John’s Point
by John Fontanilla