Vina Morales, dedma lang sa kabit isyu! – Archie de Calma

MARAMI PA RIN ang kumukuwestiyon sa isyu ng moralidad sa panganganak ni Vina Morales at ang pagsulpot sa mundong ibabaw ng lovechild niyang si Ceana, courtesy of her non-showbiz boyfriend na si Cedric Lee.

Sa muling pagbabalik ni Vina pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga, excited na naman siyang humarap sa limelight na feeling newcomer.

Iba na rin talaga, aniya, ang situwasyon ng isang gaya niyang isa nang ina. Kahit nga walang maituturing na asawa, puwedeng mapagkamalang mas masaya pa nga si Vina sa ganitong set-up.

Marami tuloy ang nagsasabing parang nagpabuntis na lang siya kay Cedric nang sa gayon ay magka-anak. May mga nagsasabing she doesn’t really need a husband. Natatawa na lang si Vina sa ganitong akusasyon sa kanya.
“May masama ba kung wala akong asawa pero may anak ako? Will that make me a lesser person?” tasahasang sabi niya.

[ad#post-ad-box]

May pagka-judgmental ang mga tao. Matagal kasing naghintay si Vina at inaasahan ng marami, lalagay muna siya sa tahimik bago mabuntis. Pero, hindi nga ganoon ang naging tadhana niya.

“I don’t have a problem with that,” sabi pa ni Vina. “So, why should I be bothered sa mga nagsasabi ng dapat o hindi ko dapat ginawa? Kung totoong nagmamalasakit sila sa akin, sa halip na i-judge nila ako sa nangyari sa akin, sana, maintindihan nila na si Ceana ang kaligayahan ko talaga.

“’Yun lang ang mahalaga sa akin at sana, e, suportahan nila ako sa pagbabalik ko para maitaguyod ang anak ko, ‘di ba?” nangingiting nasabi na lang ni Vina.

Sa madaling sabi, walang pakialam si Vina kung may mga nagpapalagay na siya diumano ay isang kabit lang o hinuhusgahan siya dahil nagkaanak siya without the benefit of marriage.
NAKASAMA NAMIN SA isang indie film si Kristoffer King, sa Showboyz, pero wala kaming kamalay-malay na gaya namin, siya pala ay isang diabetic.

Napatiim-bagang kami nang ipagtapat ni Kristoffer sa amin na diabetic siya (Type 2 diabetes ang sa kanya) na gaya namin, insulin-dependent na. Nasabi niya sa amin ito nang mapansin naming pinagpapawisan siya nang husto after a take sa isang third run cinema sa Blumentritt kung saan nagsu-shoot siya para sa “SRO (Standing Room Only)” na dinidirek ni Joven Tan.

Kristoffer has gained weight and it must be the effect of insulin in him. Ang medyo ikinalungkot namin, napakabata pa ni Kristoffer for this kind of lifestyle disease, na ang feeling namin, namana talaga niya sa kanyang yumaong ama.
Ilang taon na ang nakararaan, Kristoffer’s dad died of complications which resulted from diabetes. Napakakasuwal na nasabi sa amin ni Kristoffer na baka nga kung ano ang kinasadlakan ng ama niya, ‘yun din ang puntahan niya eventually.

Pero sabi namin sa kanya, kaya niya ‘yan. Bata pa siya. Malakas pa’t kayang labanan ang sakit na ‘yun. We’re glad to know that he’s trying his best to manage his condition and control his glucose level.

Calm Ever
Archie de Calma

Previous articleNora Aunor, sakit ng ulo sa producer ng show! – Cristy Fermin
Next articleGuesswhodoes: Eugene Domingo does the ‘Moomoo Bride’

No posts to display