Hinangaan ang katapangan ni Vina Morales nang buweltahan niya si Cedric Lee, ang controversial father ng kanyang anak. Nagsampa kasi ng reklamo si Vina laban kay Cedric na ipawalang-bisa ang visitation rights nito sa kanyang anak na si Ceanna Magdayao.
Kasama ang legal counsel na si Anna Maribel Santiago, nagpunta si Vina Morales sa San Juan Prosecutor’s Office para maghain ng motion to counter Cedric Lee’s visitation para sa kanilang anak.
Bunsod ito ng reklamo na kinuha raw ni Cedric ang kanilang anak and detained her for nine days nang wala siyang pahintulot.
Ayon kay Vina nang makausap ng media, kung noon daw ay tumatahimik lang siya, ngayon ay palaban na siya, alang-alang sa kanyang anak.
“This time, hindi na puwede ‘yun, I have to fight for the sake of my daughter. Kung before, sinasabi ko, for the sake of my daughter, I don’t want to speak up. Ayokong makialam, ayokong magsalita, kasi tatay pa rin siya ng anak ko. Pero ngayon, may ipinaglalaban ako. Ipinaglalaban ko ‘yung anak ko. So, hindi na ako takot ngayon. Sa rami ba naman ng sumuporta sa akin at nagdarasal sa akin, I will not be scared anymore, tapos na ‘yun,” panimula ni Vina.
Naikuwento ni Vina na nag-file si Cedric ng custody case para sa anak nila noong 2013.
“That time, ginawan nila ng false story ‘yung yaya ko. Actually, ipinakulong niya ‘yung yaya ko for 3 days nang walang kalaban-laban. Tahimik kami noon. Pinaglalaban namin ‘yun, off camera. And then, sabi niya, ipakukulong niya si yaya, nag-file siya ng custody. Mautak nga, eh. Magaling, napakagaling.
“And then sabi niya idi-dismiss niya raw ‘yung kaso ni yaya kung may mga visitation right. In the first place, unang-una, I am not married to him. I only have a kid with him. Secondly, I don’t ask for financial support. So zero,” patuloy ni Vina.
Kaya pumayag daw siya sa visitation rights at okay rin naman daw sa kanya dahil tatay ito ng kanyang anak.
“Kaya lang, this time, hindi ko alam kung ano ang nag-trigger sa isip niya na dinetain niya ang anak ko for 9 days, while I was away for a vacation. And siyempre, worried ako. Ano ba ang nangyayari? Kasi hindi ko makausap ang anak ko,” pahayag ni Vina.
Ayon naman sa pahayag ni Cedric Lee, pinayagan siya ng court na 10 days with Ceanna, pero ayon naman kay Vina ay wala raw itong katotohanan.
“Unang-una, sino po ba ang nagsisinungaling sa amin? Siguro kung ganoon po, kung totoo ang sinasabi niya na may ibinigay na 10 days sa kanya ang korte, ang lalabas niyan, ang korte at ako ang nagsisinungaling. So, ngayon hintayin na lang natin si Judge kung ano ang masasabi niya na binigyan niya ng 10 days si Cedric,” say ni Vina.
Tanong kay Vina kung nagkausap ba sila ni Cedric bago siya nag-file ng motion?
“I don’t talk to him na po. It’s been years na, kasi unang-una, nagka-trauma rin ako, sa edad kong ito, nagka-trauma rin ako sa ilang years na pambu-bully niya sa akin. After 2013, I don’t speak to him, it’s always through his lawyer,” aniya.
Naging emotional si Vina kapag naaalala ang naranasan niya sa piling ni Cedric.
“Alam mo ‘yung tao na ayaw mo ng away? Matapang ako, pero ayoko ng away, ayoko ng gulo, umiiwas ako riyan. Pero alam mo ‘yung tao, kinukutusan ka araw-araw, binu-bully ka, matututo kang lumaban at baka mas matapang pa sa ‘yo kapag lumaban.”
Ano naman ang reaction ni Vina na sa huling interview kay Cedric ay itinanggi nito ang akusasyon na binu-bully niya ang actress?
“Hayaan na lang natin siya sa mga sinasabi niya. Baka siya lang ang naniniwala sa sarili niya?”
Napakarami raw pambu-bully ang naranasan niya at takot na takot daw siya dahil alam niya na malalaki ang koneksyon nito.
“That time, wala pang Vhong (Navarro) na nangyari, eh. So, hindi pa alam ng tao kung anong klase ang ugali niya. Takot na takot ako sa mga koneksyon niya,” say pa ni Vina.
Kaya hindi na raw siya nagulat nang mabalitaan niya ang nangyari kay Vhong. Ang gusto na lang daw niyang mangyari ngayon at dinarasal ay ma-grant ang motion niya.
“Kasi ayokong lumaki ang anak ko sa ganoong environment. Basta ako, I’m praying for the best at maraming nagdarasal sa akin,” pahayag ni Vina.
Samantalang bukas po ang pahina namin para sa panig ni Cedric.
NAGTATANONG ANG mga nakakausap naming sumusubaybay sa ‘Tawag ng Tanghalan’ sa “It’s Showtime” kung magiging maganda raw ba or right contestant ang mapipiling dalawang winner para makapasok sa finals?
Nangangamba kasi ang sangkatutak na sumusubaybay sa nasabing singing contest kung karapat-dapat ang magwawagi kung paiiralin ang text votes?
Paano raw kung ang karapat-dapat na manalo ay iilan lang ang mag-text vote?
Kahit na raw 50% ang bigat ng text vote, malaking bagay pa rin ito sa isang contestant na deserving na manalo, pero iilan lang ang nag-text para makakuha ng boto.
Kung tutuusin, dalawang contestant lang ang may karapatang manalo sa limang contestant na naglalaban para mapasama sa finals, sila ay sina Pauline at Marielle.
Yes, ‘di maitatanggi na magaling din ang ibang contestant, pero iba ang dating ng dalawa kumpara sa mga kalaban nila sa naturang singing contest.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo