Vince Tañada, ipakikita sa bagong stage play ang lagim ng Marcos era

Vince Tañada
Vince Tañada

Para kay Vince Tañada, very personal ang kanyang latest musical, ang KATIPS: Ang Mga Bagong Katipunero na handog ng Philippine Stagers Foundation.

Nabiktima kasi ng Martial Law ang kanyang pamilya noon. Nakulong ang senator niyang grandfather at nagdusa ang pamilya nila sa mga panahong iyon.

“I am very emphatic, I’m very passionate about it. My duty now is not the arts anymore. This is done already. I’ve finished writing the play. I’ve finished rehearsing the play. My duty now is to market the play. Kailangang maraming makapanood nito. Kaya maaga naming sinimulan (ang play) para ‘yung mga kabataan, kasi kung hindi man natin mapigilan ay meron pa rin silang pag-aagam-agam. May mga datos kami na 50% ng mga Pilipino ay naniniwala na si Marcos ay dapat malibing sa Libingan ng mga Bayani. 80% of that 50% ay young people. So, kailangan natin ito. Ipe-present namin ito sa mga bata, sa mga school,” chika ni Vince sa amin.

“So, ‘yun ang challenge sa akin. Personal masyado na siguro kapag may pumigil o kaya may humarang o kaya may pumulbos sa akin ay masasaktan ako talaga nang todo. Not only me, lahat ng mga members, in the process of the rehearsals, may pumunta rito (para manood). May isang guy na talagang pinahirapan ang limang kapatid niya, naging torture victims. Totoo talaga ito, ha? Sabi ko sa kanya, kung ang pakikipaglaban niya ay walang nangyari, we will just do our part as artists. ‘Yung mga bata rito, Marcos loyalists, kasi nga mga millenials. Dati pa sinasabi na kasi maraming nagawa, mga Lung Center, pero as we go along dahil marami kaming bisita na inimbita, nagbago lahat ang mga iniisip nila,” dagdag pa niya.

According to the actor-director, “This particular play focus on events that transpired during the Marcos era. Nandiyan ang first quarter storm, nandiyan ang rally sa La Tondeña, nandiyan ang mga tinortyur, nandiyan ang curfew na I’m sure ay makare-relate ang mga kabataan at nandiyan din ang EDSA revolution.”

Vince Tañada clarified na, “I am not pro-Aquino and that I was not paid by the yellow (administration), kasi ‘yan ang (laging iniisip ng mga tao). Hindi po ako maka-Aquino. I am doing this because this is part of history and we really need to educate the people.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleCoco Martin, gustong makaharap si PNP Chief Ronald dela Rosa
Next articleDirek Brillante Mendoza, nagmamakaawa sa publiko na panoorin ang kanyang obra maestra

No posts to display