NANG MAPANOOD namin ang stage play na Bangkay ni Vince Tañada sa Saint Paul College, Fleur De Lis Auditorium, Manila, aminado kami, hindi nagkamali si Elwood Perez na kunin ang stage actor para gawing bida sa indie film niyang Otso. Outstanding ang performance ni Vince as Senior Segismundo, may-ari ng funeraria at professional embalsamador sa kanilang lalawigan. Standing ovation nang ipakilala isa-isa ang mga stage actor na nagsiganap sa Bangkay. Matagal nang stage actor/writer/director ang Palanca awardee na si Vince ng sarili niyang theater company na Philippine Stagers Foundation.
Hindi naniniwala si Vince na kailangang maging Palanca winner ka para masabing magaling kang writer. Hindi sa hindi siya naniniwala sa Palanca, kaya lang, hindi raw sukatan ang kagalingan ng isang manunulat ang pagsali o pagiging winner nito. Dekada na nga masasabi sa larangan ng pagsusulat si Vince ng mga play sa sarili niyang company. Never daw siyang nagka-interest na sumali sa nasabing prestigious award- giving body.
“Hindi ko sasabihin kung sino, na-challenge lang ako, kasi mga Palanca winner writers sila (another theater group). Isinulat ko nga itong “Bangkay”, kakaiba ang istorya sa mga naging winner sa Palanca,” pahayag ng magaling na stage actor.
Daring ang stage play na “Bangkay”, ikina-shock naming may frontal nudity si Vince on stage, ipinakita nito ang kanyang penis na naka-erect bago ito makipag-love making sa kanyang anak na dalaga. May breast exposure at masturbation scene ang mga actor na nagsisiganap. Totoong alagad sila ng sining, walang kiyemeng nagpakita sila ng flesh para maging makatotohanan ang kanilang pagganap.
Ayon kay Vince, hindi niya ini-expect na mananalong full-length play grand winner ang “Bangkay” sa Palanca (2011).May pagka-dark ang istorya niya, incest. Nag-iba na raw ang tuntunan ng mga hurado sa pagpili ng kanilang winner. Makabago na raw ang panlasa ng mga ito na labis na ikinatuwa ni Vince. Sinabi rin ng actor na tinanong niya ang ilang miyembro ng Palanca kung may babaguhin sa kanyang isinulat.
“Ang sabi sa akin, wala silang babaguhin. Kung ano ‘yung mismo ang sinulat ko, ‘yun ang gagawin nilang libro,” wika nito. “Kapag may ginalaw sila, hindi na raw ‘yun ang original,” aniya.
Inamin ni Vince na namimili ng audience ang kanyang play. Kailangan mga literature majors, theater majors at ‘yung mahilig manood ng mga ganitong klaseng stage play na may pagka-dark ang tema. Bukod sa mga serious play na ginagawa ni Vince, nakagawa na rin siya ng musical play. Medyo nakakapagod raw itong gawin dahil kakanta at sasayaw ka habang nagpe-perform on stage. Kailangang i-maintain ang energy habang nagda-dialogue with emotion while acting na naka-focus ang audience. It’s a learning experience ‘yun para sa magaling na awardee. Ang stage play na Bangkay ay tribute ni Vince kay Carlos Palanca and at the same time to celebrate his victory as awardee. Congrats!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield