HINDI NAKADALO si Direk Elwood Perez sa screening ng Otso sa Cine Adarna ng UP recently pero naroroon ang cast niya sa pangunguna ni Vince Tañada na bida sa obra ni direk.
Vince understands the fact na many people are quite confused with Otso as it is not an ordinary film. Hindi ito commercial movie na madaling intindihin.
“That is the beauty of the film,” samba ni Vince. “It created a lot of debate. A lot of people liked it. To some of the people na nakapanood ay basura daw ‘yung Otso. That is the beauty of Otso actually, ‘yung pagkatapos nilang panoorin ay pinagdedebaehan nila kung maganda ba ‘yung Otso o hindi,” paliwanag niya.
The movie, he said, is a “mental process ng isang writer”.
“‘Di ba ‘pag nagsusulat tayo ay talagang minsan may pumapasok na hindi naman totoo. Kaya lang ‘yung pagkagawa ng movie ay may pagka- Felliniesque, a mixture of reality and dream na hindi in-spell out sa pelikula kung ano ang reality o kung ano ‘yung totoo. Hindi mo alam kung reality ba ‘yon o dream lang kaya talagang marami ang nako-confuse. Sa World Cinema naman ay ganoon talaga.”
With Otso, nabigyan ng bagong pagkilala si Direk Elwood.
“Lahat tayo sinasabi na si Elwood is a melodramatic director pero pinatunayan niyang kaya niyang gumawa ng isang matinding na art film na puwede sigurong isali sa international film festival. Isa itong patunay na hindi lang siya box-office director na isa sa stalwarts ng Regal films kung hindi isa rin siyang magaling na director,” Vince stressed.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas