FILMMAKER ELWOOD Perez unveils his latest film entitled Esoterika: Maynila at the Cinema One Originals Festival last November 9 at Trinoma Cinema 7. Box-office success ang nasabing gala premiere. This is the most successful opening night ng Cinema One, napuno ang sinehan sa opening night.
Pang 51 films na ito ni Direk Elwood mula nang magsimula siya noong 70’s. Ito ang first film niya sa Cinema One Originals mula nang bigyan siya nito ng parangal, isang tribute sa kanya in 2013. Esoterika: Maynila is written by Direk Elwood and book author/columnist Jessica Zafra. The story is about a restaurant worker named Mario (Ronnie Liang) who transforms himself into a literary artist. Mahalagang papel din ang ginagampanan ng Palanca winner na si Vince Tañada sa pelikulang ito.
After watching the film, masasabi naming pelikula ito ni Vince, kahit sabihin pa nating launching film ito ni Ronnie Liang. Ang actor/director ang nagdala ng pelikula. Hindi nabigyan ng justice ng baguhang singer/actor ang character na pino-portray niya. Kailangan nitong mag-workshop sa Philippine Stagers para ma-improve ang acting.
Kahit sinasabing ham actor si Ronnie, binibigyang-katuwiran ito ni Vince. Alam niyang may potential ang binata to become a good actor. Hindi pa lang ito lumalabas sa kanyang comfort zone kaya hindi pa nito naibibigay ang best niya as an actor.
Hindi na bago kay Vince ang mga daring scene nila ni Ronnie. Ilang beses na nga bang nagpaka-daring ang actor/director sa kanyang mga stageplay. Palibhasa artist, alagad ng sining, kaya gagawin niya ang kailangan sa eksena. “I need to do that and I have to follow my director because I’m a director myself.”
Ayon kay Vince, hinahayaan lang sila ni Direk Elwood to do their own style of acting. Sasabihin nito ang sitwasyon at ang eksenang kukunan. Ikaw na raw ang bahala kung papaano mo ito gagampanan. “The good thing about the particular film like in “Otso” he directed me. In this film he allow me to explore,” say ng award-winning director/actor.
Inamin ni Vince na ten percent lang ang imput na binigay niya kay Direk Elwood. “‘Yung sa “Otso” imput ko ‘yun. Pero itong film namin, hindi masyado. Idea halos lahat ni Direk Elwood,” aniya. Happy ang magaling na actor sa kinalabasan ng pelikula. “Of course, I was surprise, when your shooting the film makikita mo ang sarili mo sa mga eksena kapag magkakasama kayo. I was thinking, may malalaking eksena ‘yung bida namin.”
Marami ang nagsasabi, si Vince ang nagdala ng pelikula, comment? “Hindi naman sa ganu’n, maganda ‘yung pagna-narrate ni Ronnie. Siya ‘yung nagna-narrate sa film. Malaki ang chance na mag-improve pa ang acting niya. Baguhan pa lang ‘yung tao, his willing to learn. Ang maganda kay Ronnie, tinatanggap niya ‘yung side comment. Alam niya, marami pa siyang dapat matutunan as an actor. Honestly, masayang kasama si Ronnie. Masayang kaeksena siya, I was also move with him sa mga eksena namin. Siguro naging push ko rin na pagbutihan dahil sikat ‘yung bida namin. After watching the film, lumapit sa akin si Direk Joyce Bernal. Sabi niya sa akin, ‘Ikaw ang nagdala ng pelikula, magaling ka.” Niyakap ko siya at nag-thank you ako. I’m happy sa mga naging reaction ng tao sa performance ko,” pahayag ni Vince.
Tuwing may eksena sina Vince at Ronnie, binibigyan niya ito ng pointers sa set. Inaalalayan sa mga mahihirap na eksena. Itinuturo ng magaling na actor sa binata kung paano iaakting ang bawat eksena. “Naku, napakarami… Ang tawag nga sa akin ni Ronnie, Direk. Ayan na naman workshop. Talagang nagwo-workshop kami every time before the take. He shows a lot of promise. May potential siyang maging isang magaling na actor in the near future kung seseryosohin niya.”
After this film, pangarap ni Vince na gumawa ng indie film for Cinema One Originals Festival next year. “Gusto kong mag-produce ng indie for Cinema One, ayaw ko ng Cinemalaya. Director lang ako, hindi ako kasama sa pelikula. Si Piolo Pascual, tuloy pa rin ‘yung plano kong project for MMFF next year, musicale ni Ninoy. ‘Yung indie film, puro mga Philippine Stagers ‘yun. Ang istorya, tungkol ito sa kumakatay dahil may koneksiyon siya du’n sa funeraria na hindi na naki-claim. Wala pa akong main cast, maghahanap pa ako. Magpapa-audition ako… “
Well, after making 2 films ni Vince with Elwood Perez, hihinto na ito sa pag-aartista. Magko-concentrate sa kanyang pagiging stage actor/ writer/ director/singer ng Phillipine Stagers at pagiging diretor sa pelikula. ‘Yun na.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield