NANG MANALO ng New Male Actor of the Year si Vince Tañada sa Star Awards for movies ng PMPC, hindi siya ready kung ano ang sasabihin niya on stage.
“I don’t prepare any speech. Walang tumatakbo sa utak ko that night. First thing that came to my mind was, I would like to thank PMPC for recognizing theater artist. Binigyan nila ng espasyo ang mga theater artist sa mundo ng pelikula and then I said, I would like to thank my mentor/discoverer Elwood Perez, my theater company and my fans,” say ni Vince nang makausap namin siya after his remarkable stage performance in “Bonifacio: Isang Sarsuwela” in Adamson University Theater last Saturday.
Kuwento ni Vince habang nagsasalita siya, nasa harapan niya ang mga master director na sina Peque Gallaga, Joel Lamangan, Joey Reyes, Lorie Reyes at Chito Roño na binigyan din ng awards ng PMPC. Nang matapos nitong tanggapin ang award, excited niyang tinawagan si Direk Elwood para pasalamatan sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya. ‘Yung tatlong nakalaban niya ay may kanya-kanyang teleserye, siya lang ang wala pa.
“Ito ang naisip ko kung bakit ako nanalo sa PMPC. Sinabi ko, lima lang ang kilala ko sa PMPC. Palagay ko, akin kasi ‘yung pelikula. Sabi ni Direk Elwood, ‘yung mga kalaban ko, extra o support lang sila sa pelikula kasi sa “Otso”, ako talaga ‘yun. Kumbaga, kung mayroong new male actor of the year na lead role, ako talaga ‘yung lead role. ‘Yun lang siguro. Pero kung iisipin mo, nakikila ko nga ‘yung mga kalaban ko. All of them we’re there. ‘Yung category namin kumpleto kami. Sabi ko, ang popogi talaga, wala ako sa mundo ng pelikula. It was a pleasant surprise. To tell you honestly, after I accepted the award, some of the director in the lobby, they congratulated me. ‘Yun na lang, nakakatuwa na. Sino ba naman ako? I invited Joel Lamangan, Joey Reyes to watch my show. Nanonood sila pero hindi nila naisip na kunin natin ‘yan sa pelikula, walang ganu’n. Si Elwood lang talaga ang nagkaroon ng lakas ng loob na kunin ako dahil ‘yun sa “Bangkay”.”
Kahit si Ronnie Yap ang nasa title role ng bagong indie film ni Elwood na Exotica. Mas challenging ang character na ipo-portray ni Vince sa second film niya with Direk Perez. “Sobrang challenging ang role ko kasi nag-frontal nudity ako du’n. First time kong gagawin ito. Sabi ni Direk Elwood, kailangang gumawa ako na hindi ko nagawa sa Otso. Considering na I don’t do film talaga. It’s seldom for me to do film, kailangan kung gagawa rin lang ako, ‘yung something new. So, napapayag ako. I was contemplating baka matanggal ako sa pagiging lawyer kapag ginawa ko ‘yun.”
Kahit aware si Vince na baka makaapekto sa kanyang propesyon ang gagawin niyang frontal nudity, lumabas pa rin ang pagiging artist nito. “Aware naman ako kaya nga lang ang naisip kong talaga nu’ng time na ‘yun this is for international release. Wala naman sa Philipines na mayroon total nudity so, ginawa ko. Ang objective naman ni Direk Elwood, mapasama sa Cannes itong film namin. Hindi ito mapapanood, kung maipalalabas man ito rito sa atin, ika-cut nila ‘yung frontal nudity ko.
“Actually, I consulted my board members in theater, my company. Pinakita ko sa kanila, ‘yung frontal nudity ko roon sa film, is not about sex. Actually, I was in a rehab, drug dependent kasi ‘yung role ko. Mabilis, two seconds lang. Kept lover ako ng isang matandang gay, gay lover ko. Tumanda ako na inaalagaan ng baklang matanda, 70 years old. Hindi ko experience to fall in love with the opposite sex, magkaroon ng girlfriend. Eighteen pa lang ako habang forty na ako sa pelikula, siya pa rin ‘yung nagdidikta sa akin. Hindi naman pala ‘yun ang gusto ko. Because in the film, ang role ko, opera singer nakita lang ako ni Fred Orbet kumakanta sa isang videoke. He’s a socialite, he’s not an actor. First time niya, totoong gay na. Ang dating, very realistic ‘yung scene,” paliwanag ng actor/ director/ singer.
Bukod sa may frontal nudity si Vince sa Exotica, may love scene rin siya with the gay actor. “‘Yun din, hindi ko matanggap sa buhay ko na paano ko nagawa ‘yun. Knowing Direk Elwood, he will not tell you kung ano ‘yung isi-shoot nang araw na ‘yun. Kapag nandu’n na, he will surprise you. Kumbaga, he will not give you a time to think. Sasabihin na lang niya, Vince, maghubad ka. Sabi ko, bakit ? Kailangan daw sa eksena. Pag-iisipan mo na lang after na. Nakita ko naman ‘yung pelikula kasi dub ko. Sabi ko, okay naman, I was contemplating during the time waiting for the film to finish,” pahayag ni Vince.
Kahit itinodo na ni Vince ang dapat makita sa kanya ng publiko. Wala siyang regrets kung nagawa man niya ito, “Unang-una, bi-sexual. Pangalawa, may frontal nudity ako. Pangatlo, may sex ako with the old guy. Pinakyaw ko nang lahat. You know, during the dubbing, I saw my part, okay naman pala. Magaling talaga si Direk Elwood Perez,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield