NGAYON PA lang, inaabangan na ang kakaibang character na gagampanan ni Vince Tañada sa bago niyang stageplay na “Popepular” with the Philippine Stagers. This time, Pope ang magiging role ng award- winning actor sa isang makabuluhang Filipino musical play this July.
Naka-prosthetics si Vince para magmukhang Pope talaga siya sa nasabing stageplay. Sa lahat ng play na ginawa niya, dito sa Popepular siya nahirapan. Kailangang maging maingat sa mga dialogue pati galaw ng isang Pope ay masusing pinag-aralan ng Palanca winner. Nag-research pa si Vince para alamin kung papaano mabigyan ng justice ang role nito as Pope.
Aside sa pagiging actor/ writer/ director ni Vince, lawyer by profession din siya. Lahat ng annulment case na hinawakan niya ay pinanalo niya with flying colors. Marami pang gustong ma-achieve ang bida ng Otso na dinirek ng award-winning director na si Elwood Perez at naging entry sa iba’t ibang international film festival abroad.
Pangarap din ni Vince na mai-direk si Ms. Nora Aunor. “Lumaki akong si Nora ang bukambibig ng lola ko at nanay ko. Halos lahat sa pamilya, si Ate Guy angpaborito nila, pinanonood ang bawat pelikula. Maituturing na legend na si Ms. Aunor. Napakagaling niyang artista, saludo ako sa kanya,” papuring sabi actor/ director.
If ever pumayag si La Aunor na magpa-direk kay Vince, anong movie project ang gusto niyang i-portray ng Superstar? “May naiisip na akong character na hindi pa niya nagagawa na ako ang sumulat. Babae siya, naging tomboy, at naging lalaki. Nagka-boyfriend siya, na-experience niyang maging normal na babae. Hindi pala ‘yun ang gusto niya, hanggang maging tomboy, at nagka-girlfriend. Magpapa-opera siya at magpapalagay ng organ ng lalaki…” kuwento pa ni Vince.
Maging ang manager ni Ate Guy na si Boy Palma ay na-excite sa tinuran ni Vince. “Gusto ko ‘yan, bago, challenging ‘yung character at hindi pa napo-portray ni Guy. Sasabihin ko ‘yan sa kanya, kailangang mabasa niya ‘yung storyline or ‘yung buong script,” excited na tugon ni Tito Boy Palma.
SPEAKING OF La Aunor, kasalukuyang ginagawa niya ang Kabisera. Nagsimula na rin siyang gawin ang Karelasyon, tatlong henerasyon with Lotlot de Leon and grandaughter Janine Gutierrez sa direksyon ni Adolf Alix, Jr sa GMA.
Kailan lang, binigyan ng parangal ang Superstar ng Philippine Tourism para sa Patnubay Ng Sining At Kalinangan Diwa Ng Lahi sa Lungsod ng Maynila ni Mayor Joseph Estrada. Kinilala sa ibang bansa ang mga makabuluhang pelikula nagawa ni Ms. Aunor. Binigyan din ng Natatanging Gawad Urian ang legendary actress.
Ano pa nga ba ang kulang para mapasakamay ni Ms. Nora Aunor ang National Artist award? The Grand Dame of Philippine Movies ang bansag sa kanya ng bumubuo ng Cannes Film Festival in France. Binigyang halaga nila ang galing at husay nito as an actress.
Balita namin may special episode na gagawin si Ate Guy para sa MMK, inaayos pa lang ang script nito bago magsimulang mag-taping ang magaling na actress.
Super excited si Ricky Lee sa first directorial niya with Nora. Tatapusin muna lahat ng Superstar ang kanyang mga commitment bago simulan ang pelikula nila together. After the operation abroad this coming August, pahinga muna siya. Ang pagkakaalam namin 5 pictures ang nakatakda niyang gawin sa taong ito.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield