Kahit biglaan ang invitation ni Vince Tañada, nagpaunlak kami para silipin ang production rehearsals ng Philippine Stagers para sa kanilang nalalapit na concert entitled “Stagers Live, Big Dome 2” na gaganapin sa Smart Araneta this December 2015. Kakaiba at makabago ang concept na ginawa ng award-winning actor/ writer/ director para sa kasiyahan ng kanilang mga fans. Pukpukan ang ginagawang rehearsal (12 hours a day) ngayon ng grupo para sa nalalapit nilang concert. Katatapos lang nilang mag-show sa Cebu for the stageplay “#Popepular”, 3 sets of shows a day for 3 days. Tsika nga ng publicist nilang si Dennis Sabastian, “Super successful, sold-out ang tickets.”
Nag-perform sa harapan namin ang Stagers for their songs and dance numbers. Very entertaining, mabilis ang facing at maganda ang kanilang production number. Na-impress kami sa tatlong PSF young divas na sina Levy Bracia, Rospel Gonzales, at Jessica Evangelio sa kani-kanilang song number. Matindi ang boses, parang CD ang dating ng boses nila. Magagaling ang mga new breed of talent ngayon ng Stagers. May future sila to become big stars in theater, film, and recording with the guidance and support of Vince Tanada.
Ayon kay Vince, itong concert ng Stagers, malaki ang pagkakaiba sa concert nila last year. ‘Yung mga songs, puro bago na hits ngayon. Songs of Alyana, Pinoy rock, pati dance numbers. Pero may portion ding kakanta sila ng mga original Pilipino music. Fourteen sets of costume ang gagamitin nila for the show, 2 hours pure entertainment. “Enjoy lang, have fun para ito sa mga kabataan. We will be using Manila sounds, jazz and hip-hop. Iibahin lang namin ang arrangement ng songs. I personally choose the songs for the show, 40 songs lahat ang kakantahin ng Stagers including Christmas songs.”
Ang Stagers ang kauna-kaunang theater company na ang ticket entrance ay 200 for the young ages, first come, no reservation sa Araneta. Ibinalita rin ni Vince na almost sold-out na ang tickets nila for the show without sponsors. This time, walang solo spot si Vince. Katuwiran niya, “Mayroon akong 3 numbers with the Stagers. I cancel my own segment. ‘Yung mga bagong members, mayroon silang solo number. We need new blood in theater, not only good, kailangang mamana nila si Vince Tañada.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield