Kaloka kung sino man ang nagpakalat at nagpasimula sa tsismis na magba-backout ang Star Cinema at ipu-pullout ang 2016 MMFF entry nilang “Vince&Kath&James” na pinagbibidahan ng tatlong Star Magic stars na sina Julia Barretto, Joshua Garcia, and Ronnie Alonte.
May isang taga-MMFF na tauhan diumano ang may intension na buwagin ang effort ng Star Cinema sa magandang promo nila para lituhin ang publiko at supporters ng tatlong bagets na ginamit pa ang isyung 30% discounts for students, senior citizens, at PWD sa presyo ng ticket ng mga mga pelikula na siyang rason kung bakit magba-backout ang Star Cinema.
May official statement mula sa MMFF sa pamamagitan ni Ms. Boots Anson-Roa na hindi compulsory ang discounted tickets at ito’y nasa discretion ng producers kung gugustuhin nila.
May official statement naman ang Star Cinema na inilabas yesterday na hindi magwi-withdraw ang Star Cinema ng kanilang entry contrary sa bali-balita.
Ewan ko kung anong intension na hindi man diretsahan na tinutukoy ng nagpapakalat na ang pelikulang “VKJ” na dinirek ni Teodoro Boborol ang magwi-withdraw, iisa ang hinala ng mga nasa presscon ng MMFF last week na marami ang insecure sa klase ng promo at effort ng pelikula ng Star Cinema na hindi nakukuha ng mga “indi-indihang” pelikula, na ewan ko kung sino at alin ang mangangamote sa box-office.
Keri ba ng publiko na magbayad ng P250 kada tao para manood ng sine? Unless, gusto nito ang tema ay keri pang ipagpalit ang Big Mac, Large Float at Large Fries with matching Apple Pie.
Sus, hindi pa ba kayo nagsawa sa Cinemalaya, Cinema One Originals at kung anik-anik pang “intelligent films” at festivals?
Sige, kayod kayo para maabot n’yo ang quota sa sinasabi ninyong “change” sa filmfest tuwing Kapaskuhan.
Kapag sumablay ito, alam ko na kung sino ang may balat at malas, na kapag nand’yan ang taong ito, siguradong nganga na naman kayo.
Reyted K
By RK VillaCorta