KUNG TALENTED KA talaga, madali para sa iyo na makapag-compose ng isang work of art.
Ang tinutukoy namin ay ang singer-composer na si Marion Aunor na siyang composer-singer ng theme song ng bagong romance-comedy film na “Ang Pambansang Third Wheel” na pinagbibidahan nina Sam Milby at Yassi Pressman. Ang bilis niya naisulat ang OST matapos niya mapanood ang ilang eksena ng pelikula directed by Ivan Andrew Payawal na ipapalabas na this coming Wednesday, March 7 na produced ng Viva Films and The Idea First Company nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana.
At the grand presscon, kinanta ni Marion ang theme song ng live na madami sa press ang nasorpresa sa istilo ng pagawit ng dalaga.
As expected, some press people compared her style and voice sa ibang local singers pero ibang-iba si Marion.
Personally, feeling ko, parang huni whispering bird sa gitna ng kagubatan at bulong ng calming hangin ang naririnig ko when Marion performed her composition ” Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko”.
Last February, Marion signed up with Viva Artists Agency na naghahandle ngayon kanyang career.
Sa new management contract niya where she signed a 5 years contract, aside from composing songs for VAA with the likes of Sarah Geronimo at mga celebrity singers ng Viva ay kabilang din ang mga projects like writing theme songs for Viva Films movies at gagawa rin siya ng music CD for herself.
Reyted K
By RK Villacorta